nga momshies!

Mga momsh, tanong ko lang, normal ba na magchachat yung asawa ng kasama ng hubby ko sa work niyan? Sa hubby ko siya tumatawag pagka may problema sila sa asawa niya. Sa hubby ko siya tumatawag pag may concerned siya tungkol sa payslip ng asawa niya. Humihingi ng advice, kesyo ganito/ganyan asawa niya. Nagsesend pa ng mga quotes tungkol sa mga depression2. May isang beses pa na pumunta kami sa may dagat, kasama yung babae at mga anak niya, pati hubby ko, nag uusap usap lang, at yun, ang sama ng panahon, parang uulan, siyempre ako takot ako sa kulog at kidlat, mas sinamahan pa niya palakad yung babae kaysa sa akin. Alam naman niyang takot ako sa kulog. Alam niya yun. Mas nauna akong nakabalik sa apartment. Tapos ngayon naman, nakalipat na kami ng apartment, yung kasama naman ng hubby ko sa work niya, dito din sila lumipat. Nakalipat naman na sila. Nung time na inaayos pa nila yung tutuluyan nilang door, palaging may dala yung babae para sa asawa ko. Palaging may dalang pagkain. Palaging tinawag ang hubby ko, wala naman siyang kailangan. Pa advice naman mga momsh, ano kaya ibig sabihin? Hanggang ngayon nag iisip pa rin ako. Parang awkward na awkward din yung babae pag nandiyan ako sa gate nakatambay, tapos tinatawag niya anak niya. Tapos pag tinatanong ko hubby ko, o nagtotopic kami tungkol dun sa babae, natatahimik siya. Minsan pa, yung hubby ko mas pinipili pa ang makipag-usap dun sa babae. Tapos minsan, nagsisinungaling na hindi daw siya iinom, nung tinawag siya ng asawa nung babae, ayun! uminom naman, basta makita lang yung babae. Ewan ko ba! Medyo naguguluhan ako. BTW, I'm 35weeks and 4 days pregnant na, hindi ko lang talaga maiwasan ang mag isip. #advicepls

2 Replies

Super Mum

Parang kakaiba na. Ayokong mag isip ng masama pero di na normal yung ganyan mommy parang sya pa yung mas asawa kesa sayo. Trust your instincts. Gather evidence and talk to your advance regarding sa isyu na to.

Nababahala na rin ako minsan sis.

VIP Member

that's kinda odd. kausapin mo ulit si hubby at sabihan mo din yung babae prangkahin mo dapat alam nya limit nya masyado na sya papansin sa asawa mo

Kaya nga momsh. Nagwoworry na talaga ako.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles