Gamit ni baby
Hello mga momsh, tanong ko lang... magkano estimated na nagastos niyo sa mga gamit ni baby? like yung mga baru-baruan, feeding bottle, etc... for the first 3 months... #First_Baby #1sttime_mom

Pinaghahandaan ko na din to mi. Hehe pag may inooffer mga pinsan ko na gamit like stroller, crib, tinatanggap ko. Di na para bumili pa ko ng bago, tapos di naman sure kung magagamit or kung gano katagal magagamit. Saka di pa ko buntis sinasabi na nila na tinago nila mga gamit para pag nabuntis ako hehe. Also wala ako plano mag hoard ng sobra tulad ng mga napapanood natin sa tiktok na oa maka hoard ng bath essentials, wipes, diaper ganon. Tignan ko muna ano hiyang kay baby. Para walang masayang. Saka bibili ng madami pag nahiyangan ni baby. Atleast hindi masasabay din sa gastos sa pagpanganak. Madali naman makabili anytime. Sa mga newborn clothes onti lang din kasi sobrang bilis daw talaga lumaki ng baby hehe. Also check ka sa shopee madami na mura don compare sa mall.
Magbasa pa