Vanishing Twin

Hello mga momsh! Story time. Warning: sad story. 2nd pregnancy ko, sa 1st ultrasound, nakita na 2 YS pala ang nasa sinapupunan ko. Mixed emotions kaming mag asawa. Ako literal na kinabahan nung una, but as day goes by, ung kaba namin napalitan ng excitement 😀 at sobrang saya namin kapag sinasabi ng panganay namin na bubuhatin daw nya ang kambal. 2nd trans v namin at 7 wks, nakita na mas maliit ng 1wk si Twin B kesa kay Twin A. Nagdagdag ng pampakapit si OB at double dose na rin sa ibang vitamins. Ang mahalaga nun saken, pareho silang may heartbeat. Kaya lang, kahit ganun, sa 3rd transv at 11wks, si twin B ay nanatiling 7 wks. At di ko napigilang umiyak habang ongoing ang transv kasi wala na raw cardiac activity si twin B. At hindi siya nagdevelop. As in, nung nagzoom ang sonologist, bilog lang siya, while si Twin A ay baby form na at malakas ang heartbeat. Yung kasiyahan namin, napalitan ng lungkot. After ilang araw from last ultrasound ko, panay ang sakit ng puson ko at nagkaspotting. Iniisip ko baka epekto ito ng nangyari kay Twin B. Nagpa ER kami, dinagdagan ulit ng pampakapit at inadvise na magbed rest. Ang hirap lang ng sitwasyon na hindi pwede masyado maging malungkot dahil sa pagkamatay ng isang baby at the same time dapat maging masaya na alive and thriving si Twin A. Meron na po ba naka experience ng ganito mga Momsh? Kumusta ang surviving baby nung nailabas nio? Naging maselan din ba ang pagbubuntis nio all throughout the pregnancy? #VanishingTwinSyndrome #twin #twinpregnancy #Needadvice

5 Replies

sorry for your loss mii, I'm also carrying twins mono-di type of twins it means tig isa sila ng amniotic sac pero iisa placenta buti nlng eh almost same sila ng weight at laki nkkatakot pala magbuntis ng twins

buti nalang mie sabay sila nagdedevelop. mas okay na rin pala magkasama sila sa isang placenta. saken kasi magkahiwalay. disadvantage pag ganun ang case, ung isa pwedeng hindi maganda ang kapit, at hindi maganda ang blood flow, take care mie, have a safe delivery and keep safe din lagi,

If you have insta you maybe you want to check deanna.boughman. Nanganak siya ng twins pero namatay yung isa. Maybe you can take solace sa pinagdadaanan ninyo. Vistual hugggssss.

Thanks mie, yup, hanapin ko po siya sa ig.

sorry for your loss po kay Twin B 😢 God has a purpose and a reason kung bakit nangyare po mga bagay bagay. keep safe and be well po mamsh.

thank you mie, yan na rin po iniisip ko.

pwede po ba malaman ano po explanation ng OB niyo po bakit daw po hindi sila sabay ng development?

common daw po sa twin pregnancy ang ganito ~ 1 out of 3 na twin pregnancy ay ganito ang case. minsan daw kasi hindi nakakakapit ng maigi ung isa, or hindi nadadaluyan ng dugo ng maayos kaya hindi nagdevelop,

Ako din vanished twins, 26weeks na ngaun. inisip ko nlng na hindi para sakin ang twins.

18 weeks ko nlaman na isa nlng cia. Wlang spotting or kahit ano, pero nung time na yan na nagpa ultra sound ult ako, nlaman ko dn na low lying placenta ako so prone pa dn ako sa pre term labor sb ni OB and sobrang ingat2 ako sa mga kilos ko. Working mom dn ako kaya sobrang hirap s pkirmdam na laging antok & mabigat tyan ko.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles