Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis 😭💔💔 hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

Tortured emotionally and physically
380 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mumsh, wag mo na siyang kausapin. Isipin mo na lang magiging kalagayan mo at ng baby mo. Hindi pa siya mature at handa magkapamilya. Stress ka, teh. Bawal ang stress sa buntis. Wag mo na siya kausapin ever at intindihin mo muna pagbubuntis mo.

Sayang oras mo dyan. Iwanan mo. Pag natuto at tumino edi good. Pag hindi, good pa din kasi hindi mo na pinag aksayahan ng panahon at hindi ka na nag invest ng sakit ng loob. Alagaan mo nalang sarili mo at anak mo. Mas worth the pain pa yun.

Basic lang po sagot dyan mamsh, kung ngayon palang na buntis ka nasasaktan ka nya ng ganyan tapos ang batugan nya pa what more pa kaya kapag nakapanganak kana?? Why stay? Baka pareho p kayong mapag initan ng baby mo nyan pag nagkataon.

momsh swerte mo pa din kasi nawalan ka sa buhay ng napakawalang kwentang tao pls wag mo ng patawarin kasi parang pinukpok mo sarili mo sa malaking bato! for the sake of baby na lang sana wag kana mastress hayaan mo yang batugan na yan!!!!

Mas ok ng lumayo ka nlng sa ganyng klaseng tao kesa habang buntis ka sinasaktan ka physically and emotionally. Bka di lang ngayon yan bka pg lumaki na anak niyo harap harapan kapa saktan which is hindi mgandang example yun pra sa bata.

Post reply image

Tulfo sis ng madala, ngaun plng sinasaktan ka na, pano kung hindi ka na buntis bka mapatay k nyan (wag nmn sana). Hindi na kasi normal sa relasyon kpag nasasaktan na eh.. Dapat mauntog k na.. Ikaw n nagsabi batugan, wala k future dyan

Momshie kung ganyan din naman partner moh bakit di mo na lang iwan.. May mga magulang ka pa naman hindi ka naman nila cguro papabayaan.. Tutulungan ka naman cguro nila para mapalaki anak moh.. Makakahanap ka pa ng mas higit sa kanya..

Hayaan mo na sya ang isipin mo yang anak mo, kasi mas batimbang ang anak kaysa sa partner mo, huwag kang mag tiis kung ganyan cya bitawan muna ang dami naman lalaki dyan na mag mamahal sa at mag aalaga sayo na hindi ka sasakatan

alam mo na ginagago ka binigyan mo pa chance, di tunay na lalaki yan wala pangarap sa buhay, mag focus ka sa baby mo sya na lang isipin mo. anjan naman pamilya mo diba? wag mo na balikan wag mo antayin baka iba na magawa nya sayo :)

jusko ate hiwalayan muna yan! marameng lalaki dyan. batugan na nga nanakit pa ng gigigil ako. wala syang ambag sayo.. wag kang matakot o maawa saknya.. kaawaan mo sarili mo hindi naten deserve ung ganyang kasama sa buhay.

Related Articles