Tortured emotionally and physically

Mga momsh sobrang sakit at sama ng loob ko. Please take time to read and give me advice. Nakilala ko ung partner ko sa fb. Mga one month po bago kami ngkita okay kami hndi ko pa alam na nananakit sya. And lahat ng luho nya bnbgay ko 😭😭 lahat ng hiningi nya bnbgay ko. Araw araw na Load at skin sa ML. Dumating ung March na bumisita ako sknila nalockdown na ako then dun nalaman kong buntis ako. Dun narin nagumpisa na saktan nya ako physically kht buntis ako Sinasapak and pinapadugo nya ung bibig ko pinagaawayan namin ung ML ung mga kalaro nya doon na babae. Kpag nhuli ko sya di sya aamin hanggang mag hysterical ako ng sobra sobra dun nya ako ssktan wc is ksi ayaw nyang umamin. Pagkatpos nyang gawin un magsosorry sya pero uulitin nya prin. Buntis na ako 3months ung mga pagkain na pinaglilihian ko dko makain kasi sobrang hirap ng buhay nila. Mkakain lng ako ng gsto ko kpag papadalahan ako ng family ko. hndi ako mkauwi saamin kasi ecq 😭😭😭 Ung partner ko po is walang work batugan puro ML po sya ttulog ng 5am ggising nang 1pm. March April May June lahat ng buwan na yan nkakatikim ako sknya. My time pa na mgssumbong ako sa pulis ikukulong nya ako itatago nya ung cellphone ko. Babasagin nya hanggang sa wala na akong magamit 😭😭😭 Babae pinagaawayan namin. Until this june12 nagalit na ako kasi araw araw nang nag iinom tapos mababasa ko nnman na may kausao nnman syang babae 😭😭 hinagis ko ung cellphone nya! At tlagang sinigawan ko sya hanggang sa sinuntok nya ung mukha ko nagkablackeye ako. Doon na ako ngkaroon ng lakas ng loob umalis. Nakituloy ako sa kamaganak ko wc is mejo malayo rin. Hndi pa ako mkauwi sa family ko kasi walang ssakyan 😭😭😭 3 days muna ako sakamaganak bago nkahanap ng sasakyan pauwi saamin. Dumating ung ilang araw walang chat or txt ung partner ko. Tapos malalaman ko sa pinsa nya may kachat syang babae na gagawa daw silang scandal dalawa. Sobrang saki mga sis πŸ˜­πŸ’”πŸ’” hndi ko na sya ginulo pa or ano pa man. Hanggang sa dumating ung araw na nagchat sya nkikipagayos binigyan ko sya ng chance maayos kami pero araw araw nya akong sinasabihan na malandi pa*yot maraming kachat. Mga sis pagod na pagod na ako sa sistemang ganon 19weeks na ung baby ko ngayon at super stress na ako 😭😭😭😭 please i need advice kung dpat ko na bang tapusin tlaga ung saamin nung partner ko

Tortured emotionally and physically
380 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

you dont deserve that man sis. go home at aalagaan ka ng pamilya mo.. at hindi sia deserving na maging ama. hindi ka nag iisa, marami ng case na ganyan. katangahan na po ang magstay sa ganyang tao.. hindi na po magbabago yan. babalik at babalik lang ang pananakit nia sayo..

Mag move on kna. Raise your baby alone. Sorry but, parang walang plano sa buhay partner mo at mukhang hindi ka naman mahal nyan. Bawal mastress ang mga buntis lalo na 19weeks ka pa lang. Go on with your life, focus ka nlg sa sarili mo at baby mo. Mas magiging masaya ka pa.

ang babae pinapakundanganan, iniingatan hindi sinasaktan kahit partner pa lang kayo.. wala yan respeto sayo kaya wag mo panghinayangan ang ganyang tao. Kung mas masakit walang ama ang anak mo mas masakit na may ama nga anak mo pero baka wala ng ina sa mga pinaggagawa nya

Isipin mo na lg ganyan ang ama ng anak mo baka matulad pa yan sakanyang ama paglaki. Hindi dapat maging ama ang ganyang klaseng tao. Iresponsable at nanakit ng babae. Malalampasan mo rin yan. Palakihin mo mag isa ang anak mo.di bale walang ama kun ganyan nman ang ugali.

I think alam mo na sa sarili mo kung ano ang tamang gawin. Sa totoo lng, ikaw mismo ang nananakit sa sarili mo. You should save yourself and your baby. Bakit di ka umalis, ano hinihintay mo? Hihintayin mo ba na saktan ka ulit, or baka hinihintay mong saktan pati baby mo?

mukhang di ka rin nman mkkinig sa advice kase kht alam mo na ngang naaapektuhan baby mo sa gngawa nya, nagsstay kpa rin e. tas samin na di mo pa kaya kilala, maniniwala ka? sa Diyos ka humingi ng gabay na mgkaron ka lakas na gwin kung ano dapat gawin.

Tapusin mo na po. Tutal di naman kayo kasal. Palakihin mo nalang po ng maayos ung baby nyo. At kung gusto ka niya talaga, magpapakatino siya at liligawan ka. Tama na po ang isang pagkakamali. Wag na pong dagdagan. Ipagdasal nyo na lang rin po na sana maliwanagan siya.

Ganyan dati asawa ko. Ndi naman sya naq ML pero nananakit sya. Ndi ko hinayaanq qawin nya nq qawin sakin un. Iniwan ko sya aLmost 3 months at waLa taLaqa kaminq conract then naqkabaLikan kami. Ndi na nya inuLit un. Iwan mo yan sis. Maqsisisi din yan sa huLi

mga ganyang lalaki mommy hndi na dpt pag aksayahan ng oras pa mag focus ka sa anak mo na lang hayaan mo sya kung kaya mo naman mairaos anak go blocked mo na lang para walang mag pa stress sau, isipin mo na lang ikaw at ang anak mo mahalga ok ka pra sa anak mo. ingat.

Hiwalayan mo na ng tuluyan Sis, una palang ganyan na sya. Dahil baka pag tinuloy mo pa yan lalo ka lang madisgrasya. isipin mo yung magiging anak mo. Sakanya ka nalang humugot ng lakas ng loob at sya ang gawin mong inspiration. Kesa dyan sa tatay nyang walang kwenta!

Related Articles