Hi mommy, Please this time isipin mo naman sarili mo at ang baby mo. Kaya mong wala yang lalaki na yan. Gusto mo ba na paglabas ng baby mo makita nya pa ano ginagawa sayo ng lalaki na yan? Mas magiging masaya kayong dalawa lang. Magpunta ka ng barangay or police station to file a blotter and protection order para di sya makalapit sayo. I know its hard na magdalang tao magisa pero mas mahirap kung may kasama ka nga sinasaktan ka naman. Love yourself first para paglabas ni baby mas triple pa mabigay mo sa kanya na love 💛💛
Bakit ka pa nagtatanong kung tatapusin mo na relasyon niyo ng partner mo? Sinasaktan ka na nga at saiyo na nanggaling na batugan iyang partner mo. Mag-isip ka nga miss. Kalimutan mo na iyang issue na babae ka chat niya, isipin mo yung sinasaktan ka. Masyado mong inuuna iyan, di namna nakakatulong unahin mo sarili mo sinasaktan kana oh? Yan pa prinoproblema mo. Sorry ha sana isipin mo yung wellbeing mo at ng nasa sinapupunan mo. Since wala kana sa puder nya magsumbong kana sa police or baranggay at sabihin mo sa kaanak mo.
mas kailangan k ng anak mo kesa s kailangan mo sya. always look forward muna bago magdecide. if alam mo nmn wlang patutunguhan buhay mo s ganung tao, wag mo n patagalin..Parehas lang kau magiging kawawa ng anak mo kpag hinayaan mo pa..and sana maging lesson dn na wag tayo basta gagawa o papasok s sitwasyon na ndi nmn tlga pinag isipan man lng s simula. lahat ay mganda lng s umpisa, swerte mo kung hanggang huli..kaya nga dpat kilalanin mo munang maigi at subukan ang samahan nyo bago kayo pumasok s mabigat n sitwasyon..
Sis kong ako sayo, wag mo nang bigyan nang chance yang hayop na yan. Kahit anong bigay mo nang chance jan hindi na talaga magbabago yan. Nakaka puntangina. Sorry pero naiinis ako. D mo deserve yang treatment na yan lalo na at buntis ka. Pabayaan mo sya. Gusto pa atang maging teenager kasi alam nyang magiging ama na sya. Eto lang tandaan mo sis ang taong nananakit kahit saang babaye yan mapunta mananakit yan. Kaya kung maghanap man sya ng iba hindi mo na kawalan yun. Kawalan nya yun. Be strong lang para sa baby mo.
Ou sis tapusin muna wala kng mapapala sa knya ndi lng sia ang lalaki sa mundo.. wla siang karapatan na saktan ka sa totoo lng sis pwd mu siang ireklamu at ng maturuan sia ng liksyon.. grabe habng ngbabasa aq nangingnig aq sa galit sa lip mu 😠😠 ang sarp niang sakalin.. basta sis iwan mna yn wg kna ulit papayg na makipag aus sia sau tama na yung pangalawang beses na binigay mu.. kaya mu yan sis pra sa anak at para ndi kna dn mastress kawawa si baby mu.. Ipag sadiyos mu nlng ang laht.. ingat kau lge ng ank mu.
jusko po sis oo naman dapat na talagang hiwalayan yang hayop na lalake na yan please lang magkaroon ka naman konting awa sa sarili mo ilang buwan naging martyr ka sa partner mong wala naman kwenta please umuwi kana sa family mo at wag na wag kana makipag ayos pa sa kanya at no more 2nd chance please di karapat dapat ang lalaking yan di bale na maging single mom kesa ganyan ang katuwang mo sa buhay kaawa awa na kalagayan mo pati baby mo baka mapano pa .. tama na ang apat na buwan or higit pa 😓😓😓
toxic naman ng lalaking yan! binubugbog kana pinag sasalitaan kpa ng di maganda! tamad pa iresponsableng lalaki! yan ba gusto mong makasama habang buhay at yan din ba gusto mong makalakihan ng anak mo? mag isip ka nga kung yan lalaki pg titiisan mo para kang kumuha ng mlking bato na ipupukpok sa ulo mo! ikaw pa magpapakain dyan! madaming single mom na mas naging maayos ang buhay kc pinili nilang maging maayos ang buhay nila! kung ako sau blocked mo na yan! walng kwentang lalaki walng balls! my gash!
Di naman sa ano sis. Tinatanong pa ba yan? Iwan mo na baka di lang yan magawa niya sayo. Wag mo na bigyan nang chance willing naman ata yung pamilya mo tulungan ka. Isipin mo na lang anak mo. Pag patuloy ka pa ma stress baka mapano pa si baby mo. Please lang. Kawawa ang bata. Ang bata ang isipin mo wag yang asawa mong walang kwenta. Sensya na kung ganto ako mag salita pero nag sasabi lang ako nang totoo. Hindi siya kawalan tandaan mo yan. May taong tatanggap at tatanggap sa inyo mag ina.
Alam mo na dapat hiwalayan, pero konting Suyo ok ka na. Kung sanay ka ng binubugbog ka, sinisigawan o gawing katulong sa bahay kasi pinapatira ka naman at nagsosorry, Mag stay ka. ML pa lang pinag aawayan niyo, hindi pa pera at bata, so imagine mo na if manganak ka na. Just because nagka anak e magbabago yan at mamahalin ka. At totoo mahirap makahanap ng sakayan ngayon, pero kung di mo ipipilit umalis, I kaw naglagay sa sitwasyon na yan kung paulit ulit na nangyari pero dyan ka pa rin.
Sis kapag ganyan nung umalis ka sinumbong mo na siya sa pulis or pina barangay mo na. Tapos wag muna bigyan ng chance kasi tignan mo inulit na naman niya sasaktan ka lang ulit niyan 19weeks ka palang bawal mastress ang buntis baka maapektuhan si baby. Be strong sis dapat simula't sapul nang nabuntis ka inaalagaan ka niya hindi ganyan or kahit puro ML siya pero may alaga pa din or yung pinaglilihian mo binibigay pa din. Hindi worth it ang ganyang lalaki. Walang kwenta mga ganyang klase 🤔
kat