Induce

Hi mga momsh, sino po yung naka experience ng induce, ano po procedure non? Masakit po ba yun? Ano po yung nilalagay sa pwerta liquid po ba? Pa share naman po yung experience niyo. Gusto ko lang po magka idea, nag try ako mag search sa Google Di ko masyadong gets. Hehe. Salamat po.

16 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sakin wala naman nilagay sa pwerta ko. nilagyan lang ako ng swero tapus dun na ininject ung mga pampahilab para mas mapabilis ung paghilab ng tyan.. pero momsh mas maganda pa din ang natural labor 😊

5y ago

Ganun ba momsh, pa iba iba pala talaga ang way ng pag induce. Oo naman momsh, mas gusto ko talaga natural labor lang. Kaso kasi 40 weeks na ako today no sign of labor pa rin. Baka kasi e.induce ako ng ob ko gawa ng due date ko na. Kaya kinakabahan ako. Baka kasi mas masakit yun.