Induce
Hi mga momsh, sino po yung naka experience ng induce, ano po procedure non? Masakit po ba yun? Ano po yung nilalagay sa pwerta liquid po ba? Pa share naman po yung experience niyo. Gusto ko lang po magka idea, nag try ako mag search sa Google Di ko masyadong gets. Hehe. Salamat po.

ako Mamsh sa panganay ko not sure kung induced din itong ginawa sa akin... my due was Sept. 27 pero may check up ako that was sept. 17 last check up ko un. then inIE ako ng midwife ko.. wala nmn akong nararamdaman na kakaiba or any signs of labor pero ang sabi nya manganganak na daw ako kaya pinapunta na nya ako sa lying na pag aanakan ko... wondering na manganganak na ako super taka ako pero nagpunta pa din ako dala ang mga gamit nmin ni baby.. naglakad ako kase malapit lng nmn... pagdating doon sa lying in.. around 12pm nagulat yung midwife doon sabi nya.. oh bkit andito ka na.. then sabi ko mammanganganak n daw ako sabi ng midwife sa center kya pinapunta na ako pero sabi ko wala akong nararamdamang kahit ano basta naninigas lng ang tyan ko... INIE ako ni Mam jona ung tumanggap saking midwife sabi nya.. 2-3cm ka lng malabo pa yan... tapos itinawag nya sa midwife na nagrefer sa akin.. may pinag usapan sila.. after nung pag uusap... pinahiga ako sa bed tas nilagyan na ako ng swero.. pinagdiaper na ako...then sabi sa akin tawagan ko na daw ang pwede sumama sa akin kase wala ako kasama nun nagpasok sa work c hubby... pagkatapos ako lagyan ng swero mga bandang 1pm na un.. may itinurok sa balikat ko at mayroon din sa swero na ininject...pinalakad lakad ako.. then after 2 hrs.. humihilab na ang tyan ko.. tolerable pa nmn.. around 3 iniIE ulit ako.. then mga around 3:30 di ko n kya ung sakit.. since dumating na asawa ko sabi ko. tawagin n nya midwife kase ramdam ko manganganak na ako... humihilab na ng walang humpay at nkakaramdam na ako ng sobrang sakit na parang nadudumi na.. iyon.. pag IE sa akin pinutok na panubigin ko.. then deretso ako sa labor room... sabay sa hilab pag ire ko ramdam ko palabas na talaga.... then un around 3:55 pm. nailabas ko na sya... thanks God.. ligtas ko sya nailabas.. khit hindi ko alam ang gagawin.. firstym ko un momsh.... nagsearch din ako ng induced labor iba iba ung ginagawang pag induced... Goodluck sayo much at sa baby mo.. Pray lng lagi.. God bless๐
Magbasa pa


