βœ•

16 Replies

ako Mamsh sa panganay ko not sure kung induced din itong ginawa sa akin... my due was Sept. 27 pero may check up ako that was sept. 17 last check up ko un. then inIE ako ng midwife ko.. wala nmn akong nararamdaman na kakaiba or any signs of labor pero ang sabi nya manganganak na daw ako kaya pinapunta na nya ako sa lying na pag aanakan ko... wondering na manganganak na ako super taka ako pero nagpunta pa din ako dala ang mga gamit nmin ni baby.. naglakad ako kase malapit lng nmn... pagdating doon sa lying in.. around 12pm nagulat yung midwife doon sabi nya.. oh bkit andito ka na.. then sabi ko mammanganganak n daw ako sabi ng midwife sa center kya pinapunta na ako pero sabi ko wala akong nararamdamang kahit ano basta naninigas lng ang tyan ko... INIE ako ni Mam jona ung tumanggap saking midwife sabi nya.. 2-3cm ka lng malabo pa yan... tapos itinawag nya sa midwife na nagrefer sa akin.. may pinag usapan sila.. after nung pag uusap... pinahiga ako sa bed tas nilagyan na ako ng swero.. pinagdiaper na ako...then sabi sa akin tawagan ko na daw ang pwede sumama sa akin kase wala ako kasama nun nagpasok sa work c hubby... pagkatapos ako lagyan ng swero mga bandang 1pm na un.. may itinurok sa balikat ko at mayroon din sa swero na ininject...pinalakad lakad ako.. then after 2 hrs.. humihilab na ang tyan ko.. tolerable pa nmn.. around 3 iniIE ulit ako.. then mga around 3:30 di ko n kya ung sakit.. since dumating na asawa ko sabi ko. tawagin n nya midwife kase ramdam ko manganganak na ako... humihilab na ng walang humpay at nkakaramdam na ako ng sobrang sakit na parang nadudumi na.. iyon.. pag IE sa akin pinutok na panubigin ko.. then deretso ako sa labor room... sabay sa hilab pag ire ko ramdam ko palabas na talaga.... then un around 3:55 pm. nailabas ko na sya... thanks God.. ligtas ko sya nailabas.. khit hindi ko alam ang gagawin.. firstym ko un momsh.... nagsearch din ako ng induced labor iba iba ung ginagawang pag induced... Goodluck sayo much at sa baby mo.. Pray lng lagi.. God bless😊

Stay calm😊😊makakaraos ka din..😊😊😊

Mag injectable , oral at induce na nilalagay sa pwerta Po, ako Kasi oral sya , evening primrose Po ung prang malaking gel na kasing laki Ng calcium na iniinom na puti ung kulay, pero un Po ay transparent at yellow Ang laman Feb19 Kasi Po nagpacheck ako at masakit na Ang tyan ko pero tolerable pa nmn Po nag ask Ang doctor if ano nararamdaman ko un Ang sinabi ko tapos binigyan nya ko Ng reseta nun tapos bumili kami agad Ng bf ko tapos uminom ako mas lalong madala na ung contraction pero ok p nmn ung pain , mga 11pm Ng feb19 sunod sunod n ung pain pero mga 10mins interval Po tapos nung nag mucus plug na tlga ako diretcho na s hospital tapos iniE 6CM palang mga 4am kami pumunta Ng hospital mga around 6pm inakyat n ko sa tabi Ng labor room, ilang IE un mga 5 ata tapos around 8:00am Ng feb20 pinutok n ni Dr panubigan ko tapos diretcho na labor room then tinurukan lang ako anesthesia tapos ilang ire then lumabas n si baby Ng 8:30am sakto .. di ko naubos ung 2pang evening primrose Kasi 1 lang nainom ko.. :)

Maraming salamat momsh πŸ€—πŸ€—πŸ€— sana nga po, kahit this week na. Ready na po ako, kung ano man maging desisyon ni ob kakayanin para ni baby. Pero mas okay po talaga pag natural labor ko lang sya. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Induced labor ako. 39w of pregnancy ako by that time.. parang.liquid gel ung ilalagay sau non, para humilab tyan mo at maglabor..tas ichecheck lagi ung cm mo at kung pumutok nb panubigan mo.. after an hour naglabor na ako at nanganak.. P.s hindi masakit ung ipapahid sau, malamig un sa pakiramdam, ewan ko lang if ganun din experience ng iba pero ako non ganun feeling ko.. ang masakit kapag during giving birth.. masakit tyan ko non at lower back, pero di ko na nararamdaman ung sa vaginia area ko.. 3RD degree ang punit ko non.. mas masakit kapag nililinis na ang matres mo..πŸ˜† But i'm sure kaya mo yan, kc ako low pain tolerance ko, pero nasurvive ko.. πŸ’œ Goodluck sa inyo ni baby!

Salamat momsh for sharing. Sana makaraos na kame ni baby. 40 weeks na ako today pero no sign of labor pa rin. Baka kasi e.induce ako ng ob ko. Wala ako idea kung ano yun.

VIP Member

Induced/painless po ako. Kase po nagpa check up ako ng feb 10. pag IE saken 2-3cm na daw po ako kaya bukas daw po paaanakin na nya ko 37weeks and 4days po naadmit ako 11am pag dating ni doc pinutok panubigan ko then tinurukan yung swero ko ng pampahilab then tinurukan ako sa braso mejo antok ako then habang inaantay tumaas CM ko may taga monitor ng hilab ni baby and taga pispis sa tyan ko, I think mga 6-7cm another turok na naman sa braso para d masakit pag labor groggy na naman hanggang sa mag 10cm pinasok nako sa delivery room tas yun mga 3 ire labas si baby tulog nako . nagising na lang ako nililipat nako sa room ko

private hospital 35k total. pero wala ako Phil health if meron I think 9k MA leLess

Saturday 10an pag IE saken ng OB ko 4cm na ako. 2pm admitted sa private hospital. Nilagyan ako swero saka buscupan at panghilab. From 2pm to 10pm 4cm pdin ako. Ang sabi ng nurse induced ndaw ako dinagdagan ang panghilab yata un then 7am pagdating ng OB ko 7cm na ako. Then pinutok waterbag ko after 30mins feeling ko natatae ako. Then pinasok sa Delivery room ayun umire then baby's out. Wala ako any sign of labor. Wala din ako nafeel na pain until manganak ako. Mataas pain tolerance ko.

Ang galing mo naman momsh, ang bilis nung sayo. Sana ako makaraos na. 40 weeks ko na ngayon no sign of labor pa rin ako. Huhu

VIP Member

Induced labor sis tutulungan ka lang nila pahilabin tsan mo, may iinject sa swero mo na gamot para manigas ung tsan mo parang sumakit lang ung puson mo ng sobra sobra dahil sa contractions, private ospital ako nun may kasama akong nurse na halos maiyak ako sa sakit ng labor ko hinihimas nya lang tsan ko then ie , un ung masakit haha ung ie ni doc, basta usap lang kayo ni baby na lumabas na sya agad.

Salamat sa idea momsh. πŸ€—πŸ€—

1st baby mu ba yan momsh? hanggang 41 weeks pwede p. pero nasa sau pa din ung decision.. kung gusto mu magpa induce.. if ever na mag undergo ka ng induce kausapin mu si baby na wag ka pahirapan..hehehe.. tsaka squatting palage momsh para bumuka agad ung sa may sipitsipitan mu 😊

Thank you ulet momshπŸ€—πŸ€— oo kakayanin ko talaga para sa kanya. πŸ™πŸ»β€οΈβ€οΈβ€οΈ

sakin wala naman nilagay sa pwerta ko. nilagyan lang ako ng swero tapus dun na ininject ung mga pampahilab para mas mapabilis ung paghilab ng tyan.. pero momsh mas maganda pa din ang natural labor 😊

Ganun ba momsh, pa iba iba pala talaga ang way ng pag induce. Oo naman momsh, mas gusto ko talaga natural labor lang. Kaso kasi 40 weeks na ako today no sign of labor pa rin. Baka kasi e.induce ako ng ob ko gawa ng due date ko na. Kaya kinakabahan ako. Baka kasi mas masakit yun.

Halah sis waley parin??dkapa din nakakaraos??ano na bayanπŸ™ˆaq din saktong 39 weeks q na ngaun ngangabels parin..wala ata tau inaantay.. wala clang balak lumabas..

@Leslie, baka mauna kapa saken sis😍😍😍 baka yan na nga mag labor kana nyan. Praying for your safety at ky baby mo πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»goodluck ❀️❀️❀️. Haysss, wala pa rin ako sis, πŸ˜₯πŸ˜₯ buti ikaw may discharge na pala na lumabas sayo, atleast may sign na malapit kana talaga. Saken kasi wala pa, puro pananakit parin ng abdomen part ko at paninigas ng tyan. Sana ngayong gabi ako manganak gaya ng panaginip mo. Hehe. Baka na anxious ka lang sis sa kakaisip kelan si baby lumabas, kaya akala mo ako yung nanganak, ako yata last mong na message dito sa app bago matulog hehe. yun pala sign na ikaw ang mag labor today. Hehe. Goodluck sis, balitaan mo ako ha pag nakaraos na kayo ni baby mo. πŸ€—πŸ€—

Momsh yung sa akin through IV. Mas masakit daw talaga compared sa normal labor sabi sakin sa hospital. Masakit parang binabali yung mga buto sa balakang haha.

Salamat momsh πŸ€—πŸ€— yes kakayanin para ky baby. πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles