missed miscarriage
hello mga momsh sino po dito nakaranas ng missed miscarraiage? ano po bah ang mga signs and symptoms nun? thank you po
Missed miscarriage din ako. Walang sintomas akong naramdaman. Nalaman ko na lang sa transvaginal ultrasound na wala ng heartbeat baby ko. He/she was 9weeks and 1day. Sobrang heartbreaking. It's my 2nd miscarriage. 😢😢 Hindi ako niraspa dahil kusa na syang lumabas 2weeks after kong malaman na no heartbeat na sya. Before the day na lumabas sya, dun na ako nagkaroon ng bleeding and pananakit ng puson, dun ko nalaman na makukunan na ako at lalabas na yung dead fetus. After that, antibiotic (cefuroxime) and methylergometrine yung niresetang gamot sakin. (Need po ng reseta ng mga gamot na ito.) Then, after 2weeks another transvaginal ultrasound ulit to make sure na wala ng retained products of conception. Sa totoo lang po mga mamsh, sobrang nakakatrauma itong experience na ito para sa akin. Hindi ko po inaasahan na makukunan ako ng dalawang beses dahil nanganak naman ako ng normal sa dalawa kong anak. Ipinagpapasa-Diyos ko na lang kung pagkakalooban Niya pa ako ulit ng baby. Sabi nga ng karamihan, siguro hindi pa oras para dito.
Magbasa paMe .. total miscarriage ang ngyari .. 1 month akong di dinatnan but then nung nagpt ako puro negative naman . Maybe it is too early to be detected .. Pero nag iingat pdn ako . di ako umiinom o kumakain ng makakasama skn .. then bgla akong nilagnat ng mataas . hindi ako uminom ng gamot kasi gusto kong makasgurado . Sunday evening nagstart akong lagnatin then Thursday afternoon nagkaron ako ng menstruation. Friday morning , nakita ko nalang na parang may laman sa panty ko . dun ko lang nalaman na nakunan nga ako
Magbasa paSaken po nalaman ko na lang na nag miscarriage ako nung akala ko nagkaroon ako ng heavy mens. 1 week may parang spotting minsan kase ganun saken konti sa umpisa pero nangyari spotting lang. After one week, nagkaroon ako heavy mens tpos may malalaking chunks ng blood clot. Nung nagpacheckup ako saka ko lang nalaman na pregnant ako dahil positive sa test but sa ultrasound wala na yung baby. 😔 Nakaranas din ako pananakit ng breast and medyo lumalaki pero di ko rin pinansin, di naman nasusuka pero may time na sumakit din ulo ko.
Magbasa pain some cases mommy it can be a silent miscarriage, wala kang symptoms na nararamdaman, and in some cases unti unti nawawala yung signs ng pregnancy like nausea vomiting breast tenderness etc. or u may pass out blood clots din and kapag nagpa utz ka empty ang embryonic sac or walang maririnig na heartbeat ni baby, it happens very early in pregnancy kaya yung iba d namamalayan tapos akala mo buntis ka pero after ilang weeks nireregla ka na ulit.
Magbasa pasmall city lang kasi dito sa amin kaya ganun gusto q na talaga magpa trans v para malaman nah
Wala ko idea na na miscarriage na pala. Walang sintomas... Ramdam ko na buntis ako. Maay morning sickness and pagkahilo. May cravings din. My case was, hindi na lumaki si Baby at walang heartbeat. I'm under medication as of now para mag bleed ako. Pero 4th day na ng meds ko wala pa rin bleeding. Baka maraspa na ko by Monday. ðŸ˜
Magbasa pakmusta ka na mommy? ilng arw bago nagkaron ng natural miscarriage?
HD po ko sure piro pag may baby kah at HD pah buo dapat pah consult sa ob if spotting kah para bigyan lunas saka alaga an katawan mo at pakain ng masustansya para sa baby mo regular check up din sa health center para iwasan ang ganyan.... Pag ganyan daw alam ko may buobuo daw yong lumalabas
Di ko naranasan pero nabasa ko lang din. Pag missed miscarriage po, nakunan nang walang nararamdaman na kahit ano. As in no bleeding, no cramps or anything. Malalaman na lang na nakunan ka sa susunod mong check up/ultrasound.
ask klng po kasi nalaman konna walang heart beat yung baby ko is dec.12 pero until now wala padin akong ramdam na nalaglag na siya do i need to worry po ba or hintayin klng na kusang lalabas ? thank you
missed miscarriage din itong sa akin. wala na heartbeat yung baby ko. 2 choices yung sa akin. Mag inom ng gamot or mag D&C. Kinakabahan ako, natatakot ako, ano pipiliin ko.
kamusta po nirasoa ba kayo?
masakit ang puson at balakang. pagsumobra na sakit at may lumabas na.blood yun na po yun.
malakas po ba ang pagblebleed or hindi po pag nagka miscarriage
mother of xia