Naranasan At Patuloy Kong Nararanasan Dahil Sa Covid19😔😔
Mga momsh share ko lang po experiences ko dahil sa pandemyang ito my iba rin kayang nakakaranas ng ganito maliban sakin?? Medyo mahaba haba po itong ikwekwento ko kailangan ko lang po ng advises na makakapagpalakas ng loob ko wala po kasi akong masabihan😔😔 Last na napuntahan po ako ni hubby march 5 dapat pupuntahan nya ulit ako ng march 20 kaso hindi na natuloy dahil nag lockdown na mag 6month palang tiyan ko noon. Andito po kasi ako sa la union tas si hubby nasa Pangasinan hanggang sa nanganak po ako nong june 26 ang saklap lang kasi hindi man lang nya nakitang lumaki tiyan ko hindi man lang nya nakitang gumagalaw baby namin sa tiyan ko hindi man lang nya naramdaman bawat suntok at tadyak na ginagawa ng baby namin😔 dahil din sa pandemyang ito apelyedo ko ang gamit ni baby hindi ky hubby kasi wala sya nong nanganak ako.. inggit na inggit ako sa magpartner na magkasama during lockdown lalo na sa mga buntis na katulad ko dattym yon nga hanggang sa nanganak at hanggang ngayon malapit ng mag 1month baby namin hindi parin nya kami nakikita at nakakasama😥😭 tapos mag isa ko lang po nag aalaga sa baby ko ang hirap kasi wala akong kasalitan puyat lipas gutom akala ko nga tataba ako pagkatapos manganak kasi payat po talaga ako yon pala mas lalo pa akong papayat nag aalala na nga din po ako sa kalusugan ko dahil sa kulang sa tulog lagi pang lipas sa kain tapos kunti lang nakakain ko, madalas mabilisan pa kong kumain kasi nga si baby sobrang hirap po pero kinakaya ko para sa baby ko halos gabi gabi umiiyak ako dahil narin siguro sa depress ako pero nilalabanan ko at tanging dasal at sa Panginoon nalang ako kumakapit at humihingi ng lakas dibali ng ganito yong nararanasan ko basta walang magkasakit saming mag ina kasi kong usapang financial wala po kami non kaya yon ang lagi kong dasal🙏🙏 kaya sana matapos na tong pandemyang ito hindi ko alam kong kailan kami ulit magkikita.. Salamat sa matyagang pagbabasa mommies😘❤️