Same situation po tayo nagresign ako nung malaman kong buntis ako. EDD ko is July 2023 so dapat yung nahulogan ko is April2022-March 2023 (actually kahit 3months lang nabayaran mo u can avail na benefits, yung makukuha mo is depindi magkano contribution mo at ilang buwan) Nagresign ako November so yung last bayad ng company hanggang November lang. Naginstall ako ng app SSS mobile at naggenerate ng PRN (ito yung required reference nilagay ko sa Gcash sa pagbayad) Nagbayad ako through Gcash, may other options po Bayad Center pero para less hasle kung online payment gcash, paymaya, BPi or any credit/debit card. So binayaran ko December, January and February 2023 lang (Check ko yung elligibility maximum nman yung makukuha ko kahit hindi ko na bayaran March 2023) nagchange status po agad from employed to voluntary (need daw po at least dalawang buwan contribution bayaran mo para ma voluntary) Pwedi mo pa bayaran yung February at March para maging voluntary kayo kahit April na ngayon π **Attached photo sa baba (click mo lang po to view) yan po yung SSSmobile app, mag create/generate PRN lang po tapos may lalabas na reference # yan nilagay ko sa Gcash PayBills. Ito yung sinunod ko nakita ko sa tiktok https://vt.tiktok.com/ZS8sSn7Nd/
Kapag nag bayad ka ng isang contribution automatic magbabago dapat yung status mo. Pwede ka magbayad sa Bayad Center, icheck mo din sa online payment channels kung meron kasi ang alam ko meron yan sa GCash. Pls note na tumatanggap ang SSS ng late payment pero hindi yan masasama sa mat ben. Sa retirement na siya masasama. Sana nakapag bayad ka pa nung Feb at March para mas malaki makuha mo. Pero April na, hindi na masasama sa mat ben ang late payment kasi. Yan chart ang tignan mo para malaman mo kung ilang buwan ang nahulugan na maccount sa matben. Sa SSS online, meron doon maccheck mo yung estimated amount na pwede mo makuha. Take note, estimate lang yun, kung walang late payment o any other issues, most probably yun ang makukuha mo.
easiest way yan kesa magpunta ka sa sss office. pay ka lang, it should change na. ganun sa akin kasi, kahit isang hulog lang nagbago naman agad status.
Anonymous