Gamot for rashes

Mga momsh, any recommendations po sa effective na pangtanggal ng rashes ni baby. May yellow stain na po sya kapag pawis. Update: 👶 Okay na po yung skin ni baby. Thank you po sa lahat ng sagot nyo. Eto po yung ginawa ko. 1. Pinalitan ko baby wash nya from Unilove naging Cetaphil Moisturizing Bath and Wash 2. Yung pinakuluang dahin ng bayabas tapos warm na sya. Sinasawsaw ko po doon yung cotton tska idadab hindi punas sa rashes nya then idadab ko ulit ng dry na cotton. 3. Most importantly chinecheck ko palagi yung leeg nya kung basa dinadab ko ng cotton para magdry. In just 3 days naglight na po leeg nya and wala na rashes. ❤️

Gamot for rashes
31 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kapag po dinadry niyo ang skin ni baby, make sure po na tap (gantle hit) with a cotton cloth, iwasan po na pa-wipe kasi po as per pedia, thin pa daw po ang barrier ng skin ni baby. Wiping could cause scratches in the skin na minsan po di natin napapansin. Avoid using oils din po sa skin ni baby if the weather is hot. Using baby powder din po ay may best time lang pero as much as possible, hindi pa po daw need talaga ng babies and for some, di po need, like us, my lo has allergic rhinitis. For soap mommy, I personally suggest Cetaphil with moisturizer, may scent po pero very mild and you may not need to use any cream after using it. Thank you.

Magbasa pa

dalawa ginqgamit ko pag na rashes ang mga babyko, subrang effective yan. PIRO depende Po sa. Baby Kong Type Ng katawan Niya 😇 advice, wag mo Hintay matuyo ang gatas ni baby sa liig or likod, dapat every mns po jini Check up natin ang mga liig nila, kung maari pa 3 times a day hinohugasan natin sila Boong katawan, para maka I wasan ang makakati sa katawan ang baby,

Magbasa pa
Post reply image

Ganyan kapag napabayaan yung milk sa leeg ni baby. Nag karoon ng lines and rashes leeg ni baby ko kanina buti napansin ko agad kaya nilinis ko, sinabunan ko ng head to toe bath niya, Unilove gamit ko tapos pinatuyo ko sabay lagay ng Vegan Baby cream. After ilang minutes nawala yung pamumula.

minsan sa gatas yan na napapabayaan,pumaparak dyan s leeg ng baby kaya nagkakaganyan.. Nagsusugat,butlig at makati yan s bata..kaya dapat double ingat kahit nagpapadede lang..iwasan nyo wag mapatakan o madampian ng gatas ang leeg at kili2 ..

Ganyan din ang nangyare sa leeg ni baby ko. Sobrang pula at may yellowish na lumalabas. Kaya we opt na magpatingin na din sa derma para mabigyan ng right treatment. Niresetahan si baby ng cream, lotion and soap. Pati antibiotic meron din.

Hello, it will be best Momsh kung pupunasan mo sya time to time ng maligamgam na tubig, then pahanginan lang. Suggestion lang, wag paghiran ng kahit ano, pahanginan lang. ☺️

ganyan din po baby ko now mejo may amoy din po, nagpalit po ako ng sabon nya from Johnson babh bath to Tender Care nawala wala naman po sya, wala nga lang po ako pinapahid na cream ano po kaya pede

3mo ago

ung sa baby ko before . nagkarashes dn pero light lng,dinala namin agad sa pedia pra di na lumala..from cetaphil pinag switch kami sa physiogel, tas ilang days nawala na dn nmn agad.

Calmoseptine po. pag gumaling na, nilalagyan ko natural nappy cream para lng may barrier protection in case hindi mahanginan minsan. tapos mild natural baby wash pag bath time

mi wag mo hayaan na pag may natulong milk ee dapat mapunasan mo ng cotton na may luke warm water tsaka mo punasan at lagyan calmoseptine.

Aww. Ang sakit nyan mi. Kawawa naman si baby. Bakit po pinalala nyo? Dapat umpisa palang ng pamumula hanapan nyo po agad ng first aid.