35 Replies
BAKIT BA BAWAL PAINUMIN NG TUBIG ANG SANGGOL 0-6M? Marami po sa atin, ang nagtatanong kung ligtas ba, at kailan ba pwedeng painumin si baby ng tubig. Lalo na ngayong tag init. Ngayong gabi ay bibigyan po natin ng linaw ang paksang ito. Ayon po sa World Health Organization at Department of Health, hindi maaring bigyan ng tubig ang mga sanggol na ANIM NA BUWAN PABABA. Napakadelikado po ng pagpapainom ng tubig sa mga sanggol na wala pang anim na buwan dahil ito ay nagiging dahilan ng WATER INTOXICATION OR POISONING. Ano ba ang Water Intoxication? Ito ay kondisyon kung saan ang sodium levels sa dugo ay bumababa dahil hindi pa kayang balansehin ng katawan ni baby ang tubig (Hyponatremia*). Ang mga sintomas at epekto nito ay: - Pagsusuka - Pagiging iritable - Pagkahilo - Sobrang ihi (6-8 basang diapers) - Pamamawis - Hypothermia o pagbaba ng temperatura ng katawan. - Epileptic Seizures - Pagkamatay Ito ang dahilan kung bakit mahigpit na ipinaaalala satin sa mga ospital at ng mga ahensyang pangkalusugan na bawal po ang tubig sa mga sanggol na anim na buwan pababa. Napakarami sa atin, na nadadala sa sinasabi ng matatanda na kailangan painumin ng tubig ang mga sanggol lalo na daw kung may sakit o kapag mainit. MALI PO ITO. Kung ikaw ay nagpapasuso, ang breastmilk ay 88% water. Kaya hindi na kailangan ng karagdagang tubig ni baby. Sa panahon ng tag init, ang gatas natin ay nagbabago ayon sa panahon at pangangailangan ni baby. Mas nagiging malabnaw ang gatas natin upang maiwasan ang dehydration. Sa mga nakaformula naman, hindi rin kailangan ng karagdagang tubig dahil ang bawat scoop ay may katumbas na tamang sukat ng tubig. Mga inay, huwag po tayong matempt na magbigay ng tubig. Wag po nating isugal ang kalusugan ni baby dahil lang sa utos ng mga taong nakapaligid sa atin. HUWAG po tayong magmadali na painumin sila ng tubig dahil buong buhay po nila, iinom naman sila ng tubig. Mainam na maghintay po tayo. Ingatan po natin ang ating kalusugan lalo na ng ating supling. Salamat po at mabuhay kayo mga inays!... PLS read. The American Academy of Pediatrics, the World Health Organization, and numerous other credible organizations strongly recommend only breastmilk for at least the first six months. The World Health Organization specifically mentions "Not even water" may be given to infants. Formula is only an acceptable alternative to breastmilk when breastfeeding is actually impossible. http://www.who.int/features/qa/breastfeeding/en/ http://www.who.int/nutrition/topics/infantfeeding_recommendation/en/ http://www.who.int/features/qa/21/en/ http://www.babycenter.com/404_when-can-babies-drink-water_1… http://www.britishbottledwater.org/children-and-babies.asp facts about hyponatremia http://parentingpatch.com/preventing-hyponatremia-or-water-intoxication-never-give-a-baby-extra-water/ Hyponatremia caused by excessive intake of water as a form of child abuse - https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC4027093/ #Spreadeverylearning #WHO
If pure bf ka or mix kahit wag mo na painumin ang baby mo ng tubig. Pero kung pure formula at matigas ang poop nya painumin mo si baby ng tubig for the purpose lng na palambutin yung poop. Painumin mo sya after nya magmilk at konti lng yung tipong hindi gagawing substitute yung tubig sa milk. Yung tipong hindi sya mabubusog sa tubig. As per advice ng pedia ng baby ko.
Ganyan din mommy at lola ko gusto nilang painumin baby ko ng tubig onti lng daw para mahugasan daw dila ng baby ko kase bottle fed sya (formula milk). So ako d ko pinapainom ng tubig c baby pero pg nakulitan na ko sknila ok cge padedehin ko n tubig kung dedehin ng baby ko.
dpende po s inyo yan madam. if BF sya no water tlaga. pero kung formula milk po nasa s inyo if papainumin nyo ng water. samin si baby s hospital p lng after maipanganak nag water na ung nurse at pedia pa nagpainom s knya kc formula milk sya
Kung breastfed wag po muna, pagka 6 months pa po ni baby. Kung formula, pwede po konti lang and hindi madalas. Ask your pedia din
NO. Yung milk naten eh may tubig at antibodies na at pakitaan mo sya ng articles na bawal talaga painumin ang nb
Kung pure breastfeed ka lang sis kahit wag na. Pero kung mixed feed ka kahit konti okay lang
Mga mommshies bawal po ang tubig sa bata..dapat 6month n up.bago sya uminom ng tubig..
pinag babawal ng pedia na painumin ng tubig ang baby till 6 months
Hala mommy bawal pa po un,kung maari huwag nyo muna painomin ng tubig
Jherlind