Sobrang selan mag buntis..
Mga momsh pa advice po, ano pong magandang gawin para po mawala ung sobrang pagiging maselan ko po sa pagkain. 2 months preggy po ako pero pihikan as pag kain kahit sobrang gutom nako pag kumain ako nasusuka ko. 🤧 hanggang kelan kaya ako magiging ganto. 😔#pleasehelp
Same case kaya tinanong ko OB ko if may pwede akong itake para di masuka. Niresetahan nya ako ng Plasil, 30 mins. before your meal. So far na lessen naman pagsusuka ko kaya kahit papano nakakakain ako. ☺️
try eating more healthy foods like fruits and veggies. then exercise po na safe sa condition niyo. pero mas better po na consult your doctor na lang lalo na sensitive po yung pagbubuntis mo now. :)
naku ganyan din poh ako..bumaba ang timbang ko kc d ako makakain at konti kain suka naman.. haizz pero bumalik naman poh sya pagdating ko ng 2nd trimester ko kaya dont worry
mommy hnd po agad mawawala yan kc naglilihi ka..4 -5 months bago matapos mglihi..ganon kc ako 5months na tummy ko bago nawala pgkaselan ko sa lahat ng amoy at lasa ng pgkain..
1st trimester po ganyan ako. Sobra hirap. Better ask ur ob kasi ako niresetahan para sa pagssuka.and vit. Also especially ang folic. Sa akin po nwala yan mga 4mos napo 😊
ganyan talaga sis. tiis tiis. matatapos din naman yan after 1st trimester. wag lang magtuloy hanggang mid 2nd trimester mo. depende din kasi sya sa katawan natin. :)
there's no other way around mamsh ako hngng 4 mos. I was even hospitalized due to excessive vomitting.. yelo mamsh. cold food at drinks
Ganyan talaga, mamsh. Wala po tayong remedy dyan, ee. Kelangan mo talaga sya pagdaanan. Pero lilipas din naman yan. Tiis-tiis na muna ☺️
same nung first trimester ko. unahan mo ng fruits or lemon juice pagkgising. pilitin mo kumain kasi sobrang need ni baby sa development nya.
ako sis 6 months na pero maselan pdn sa amoy. pero hndi na kasing selan nung mga unang buwan. may iba daw hanggang manganak ganun