Nakakadismaya

Hello mga momsh ngaun Lang po ako nag open ng app nato kc busy kakaalaga ng lo ko. I just want to share my experience SA Ospital ng Parañaque. Pls read until the end SA lying in po ako nag papacheck up sa Parañaque nag request PO ng ultrasound Ang ob ko ng BPS I'm currently 39 weeks na nun. Then dun palang namin nalaman na IUGR Ang baby ko. So nag decide ung ob ko na gawan ako ng referral sa Ospital ng Parañaque para dun manganak. Then pagkabigay po ng ob ko nun diretso po ako sa ER then pinakita ko sa kanila ung refferal ko. Tinanggap naman nila ako nung time na un pero syempre kailangan mo mabungangaan. Nagpagawa po sila ulit ng ultrasound with Doppler ginawa ko nmn po lahat ng request nila and the second day bumalik na nmn ako para pa check up ulit then Sabi ng ob kailangan ko pa daw magpacheck up sa taas para magkaron ng mother record. Iba iba KC ob araw araw so nahirapan ako makipag usap kc iba iba sila. Then the third day nag pa check up ako sa taas nagpa gawa ulit ng ultrasound so nakadalawa nako ultrasound na request nila mga 5k na po nagastos ko sa loob ng tatlong araw Lang March 12 po nun. Pinapirma pa nila ako ng waiver KC daw pag may mangyari sakin pati SA baby ko Wala daw pananagutang Ang Ospital nila KC IUGR daw baby ko. March 12 po nun naglalabor na po ako nun. Then March 14 sunod sunod na po contractions ng sakit pumunta na po ako sa Ospital na IE po nila ako 3 cm nako pagtapos ko IE sabay sabi nila "ay sorry d ka nmin tatanggapin kc Wala ka record dito at isa pa may problem ung baby" mapapamura kna lang nasan na referral ko? San na lahat pinagawa nilang ultrasound sakin apat na araw ako nagbalik balik sa Ospital dapat say una plang talaga d na nila ako tinanggap tapos pinapirma pa nila ako ng waiver!!!! Nakagastos ako ng 5k pero useless lng. Maghanap nlng daw ako ng ibang hospital ee pano pa makakahanap ee naglabor na ako 3 cm na dn. Nakakadismaya sila!!! Kumpleto nmn ako sa laboratory ko bakit ganun.. Nag decide nlng mama ko na magpaprivate khit na walang pera basta makaanak lng ako.. 2:00 pm po nanganak na po ako Wala nmn problem si baby ko 2.5 kilo nya ok nmn daw kwinento ko sa doctor na nagpaanak sakin ung ginawa ng Ospital ng Parañaque sakin at Sabi nya pano Kung nanganak ako bigla tapos dun plang nila sasabihin na d ka nila tatanggapin ng naglalabor kna San ka kukuha ng hospital na paanakan mo? Un Sabi ng doctor. At saka Wala problema si lo ko 1 month na sya ngaun. Thank God! D ko ma express galit ko sa Ospital na un. Gumastos ako ng 5k, pinapirma nila ako ng waiver, nagpababalik balik ako ng 4 days, tapos nung naglalabor kna at manganganak kna dun palang nila sasabihin na d ka nila tatanggapin at maghanap nlang daw ako ng ibang hospital. Hayy!

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ereklamo mo bawal ung ginagawa nila..