if the feeling is gone
Mga momsh nawalan din ba kayo ng gana sa mister nyo after nyo manganak? Kami literal mag 4mos na baby namin walang araw na ndi kami nagaway haay tapos parang ako lang apektado. Lagi ako nakikipagcompromise pero ayaw nya pagusapan. Gusto nya ok kami agad?
I feel you momsh. Mag 3 months na si baby, lagi kami nag aaway ni daddy nya. Partly, PPD pero kasi may mga ginagawa siyang nakakasama ng loob (many to mention) lagi akong umiiyak nang patago, humahagulgol na halos di makahinga pag umaalis siya after namin mag away. Need lang ntin ng kausap momsh, anjan naman family and friends kung irita ka talaga sa partner mo. Ako kasi dati gusto ko lagi ko siya kinakausap pag nagkakalabuan kami pero since di naman sya nakikinig at nag aaway lang kami lalo, sa friends ko nalang ako nag oopen up. Nakakadepress kasi. Minsan naiiisip ko mas okay maging single mom nalang pero mas importante sakin buong pamilya para sa baby ko. Ayun lang.
Magbasa pahindi naman sa walang gana pero nagaargue din kme ni hubby. well i have to blame myself for it bc I am having postpartum depression. you might be experiencing the same. nagiging okay din naman kme after namen ikalama utak namen 😂 tsaka pngaawayan namen mga walang kwentang bagay lg naman.
I dont think na nawala siya. Siguro naging preoccupied lang sa stress, pagod, ppd after manganak. Iba kasi talaga ang pagod tapos iisipin mo pa mga gastos niyo. Kaya need talaga ng isa sainyo may mahabang pasensiya at talagang understanding.
Yes ako dyan, naramdaman ko din noon yan, pag gusto nya ayaw ko, kse pagod na ako kakaalaga sa baby, ung time na hirap ka na sa umaga tpos pati sa gabi ganun pa din.
Hndi naman momsh. Mas minahal namin ang isat isa nung nagkaron kme ng anak. Siguro po eh stress kayo pareho at kailangan nyo dalawa mag calm down.
Mas naging okay at tumibay ang relationship namin nung dumating si LO. Lagi kasi namin syang kinukwentuhan sa nangyari sa amin ngayong araw.
Nakafocus na kc kau sa baby. Lilipas din yan
Ppd yan mommy. Ganyan din kami ni lip ko sa panganay ko noon.. inuwi pako father ko sa bhay dhil nagaaway na kami. Ayaw nia kasi ako payagan umuwi sa parents ko eh wla akong kaalam alam gawin pano mag alaga ng bata noon.. pero nun naexplain samin na ppd nga pinagdadaanan ko, mas naging understanding sya.. mas naging maluwag sya..
Magbasa paBaka post partum lng yan mommy
Iremind niyo lang po lahat from the start minsan make time po para sainyong dalawa yung pagusapan niyo ho yung mga bagay bagay noon nu g wala pa si baby malaking tulong pu siya. Mahirap ma po kasi yung ganyan laging nagaaway mas nawawala lang yung amor niyo sa isat isa.
lagi nga akong irita momsh..kaso super insensitive.. nababalikan naman nya ung dati.. naiisip nya mga gingawa nmin nung wala pa si baby pero ang feeling ko parang nagsisisi sya na nagkaanak kmi