3 Replies
Pano nyo nalaman gusto nya ng formula? Wala pang preference ang mga baby kung ano gusto nila kainin/inumin. 2yrs old pa sya mag kakaroon ng preferences. Kaya umiiyak yan kase nakapag bote na meaning nalilito na sya alin ang dede ng nanay nya...nipple confusion kung tawagin. Mas masarap kase dumede sa bote kase si baby hindi na gagamit ng effort para sumipsip since ang bote ay tuloy tuloy ang tulo nyan.. nganganga nalng sya onting sipsip busog na sya. Unlike pag suso ng nanay. Kailangan mya mag exert ng effort para mabusog since ang lumalabas lang ang gatas kapag sumipsip. Kung gusto mo ibreastfeed si baby hanggat maaga pa suso mo lang ang ipadede mo wala ng iba
Hindi lahat ibig sabihin gutom si baby pag malalim ang bunbunan sis... minsan kabag yan kaya pwd mo pahiran ng manzanilla babalik yan.... ok lng nmn breastfeeding ka sis mas healthy po at mkkatipid ka rin... hindi sakitin si baby pag breastfeeding kaya kain ka rin healthy foods.... paintindi muna kai mama mo , usap muna kayo π
Mommy continue nyo lang po ang pagbreastfeed kay baby, mas madaming benefits ang breastmilk. As long as okay po yung output ni baby like poop and wiwi nya po ibig sabihin enough po yung nakukuha nya na milk sa inyo