Bumuka yung tahi ko sa pwerta

Mga momsh, na try nyo ba itong foskina ointment, Bumuka kasi tahi ko sa pwerta ng kinapa ko, yung pinagbuhulan ata., natatakot naman ako Ipatahi ulit sa lying in, base din kasi sa ibang mga mommy hindi na daw tinatahi ulit yun, reresetahan ka nalng ulit ng antibiotic. Effective po kaya itong ointment? Or any advise po for fast recovery, 7days na din kasi nakalipas nung nanganak ako, induced labor kaya medyo malaki ang hiwa ko kasi stock ako sa 5cm nung labor. Thank you sa mga magmkakapagbigay ng advice. Hindi ko na ipopost yung pwerta ko private na kasi yun, pero bumuka po tlga sya kaya natatakot ako

Bumuka yung tahi ko sa pwerta
12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Same case tayo mommy. Induced labor din. Sa balat lang naman yung bumuka na tahi, intact yung sa loob. Ang pinagawa sa'kin ng OB, babad Betadine fem wash for at least 1 minute, yung puro, hindi diluted. Tapos niresetahan niya ako ng Betadine ointment, yun pinalagay niya sa'kin dun sa mismong uwang ng tahi. Once to twice a day. Ilalagay siya kapag alam mong matagal bago ka na ulit magwash para babad talaga. Mag 1 month PP palang ako in 2 days pero super liit nalang ng naiwan na gap. Hindi na ako binigyan additional antibiotics.

Magbasa pa
4y ago

Cge momsh, will try to do din yung inadvice sau ni ob mo.. Sa balat lang din nman yung bumuka sakin momsh. Kaya hoping na mas mabilis yung pagheal nya

Same case mommy induce din po ako at malaki si baby kaya malaki ang tahi abot po sa pwet ,bumuka po tahi bandang pwet hndi na po tinahi ni OB ointment lang din po bngay sakin pero di ko po ginamit, 2 months post partum okay nmn po dry na ung stitch 😊

4y ago

Nag fully heal naman yung bumukang tahi mo momsh?? Nakakatakot din kasi

mabuti kapa mommy gantong pic pinost mo samantalang sa iba yung mga perlas talaga nila pinopost nila madalas pa naman ako nakain habang nag scroll dito hehe

4y ago

Nakakailang kasi momsh syempre private part din yun, tska kahit wla naman pic momshy undestood na sa explanation plang na bumuka nga yung tahi.

bakit po bumuka ung tahi? tsaka pano nyo nalaman na bumuka? kusa nmn cgurong gagaling yan ung sa mga probinsya nga dba walang tahi2😅😁

4y ago

Sabi nmn po kusang magsasara matagal nga lng po tlga, tska need inuman ng antibiotic at kung may mga ointment na pwede ipahid

VIP Member

ganyan yung neresetang ointment skin ng OB ko nung bumuka ang tahi ko..cs delivery

4y ago

Cge momshy, thank you inuman ko din antibiotic para mabilis mag heal.

Hi mamsh kmsta po yung tahi nyo sa pwerta at paggamit ng foskina? same case po 😫

2y ago

same question momsh pls kumusta

yes. ointment nga yan pra sa ganyang case.. get well mommy!

bumuka din Kasi tahi ko sobrang hapdi pag umiihi

dumikit poba ulit Yung bumukang tahi mo mommy

Up