Iyakin si baby

Hi mga momsh, meron po ba dito same experience na sobrang iyakin si baby. As is kapag gising po siya iyak siya ng iyak, hindi lang basta iyak kundi gigil na gigil sa pag-iyak. Pati kapag natutulog sobrang magugulatin din kahit naka-white noise na. Every 30mins nagigising, papatulugin na naman. Ayaw din nya nagpapababa sa crib, gusto lagi buhat. Nilalagyan na din namin ng aceite de manzanilla kasi baka nga kinakabag. Ano po ginawa nyo?

11 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din baby ko hanggang mag 3 months sya. Ginawa na namin lahat mag palit ng diaper, mag pa dede, mag pa burp, iba’t ibang posisyon ng karga, kahit karga ng matagal iyak pa din, pati lullabies. i even try manzanilla kahit di advice ng pedia nag baka sakali lang na makatulong kaso hindi. Titigil lang sya pag gusto nya na tumigil. Feeling ko nag aadjust p kasi sila sa environment o kaya colic. Pero mag babago din na man yan. Tiyaga lang muna.

Magbasa pa