pineapple

mga momsh masama ba ang kumaen ng fresh na pineapple ? im 10 weeks pregnant ..

pineapple
94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pwede po peru pakunti kunti lang..ako 11 weeks plng akong pregnant non pinaglihian ko pineapple.. sa almusal ko lunch at dinner my pineapple talaga akong kinakain tag 3 slice lang pinagagalitan na ako ng mga katrabaho ko sabi bawal dw eh pangit sa pakiramdam na di mo mkain ang gusto mong kainin kaya minsan ngtatago ako pg kumakain ng pineapple.. so far wala naman akong nramdaman na hilab or ano natigil lng ako kumain ng pineapple nong 4months na at natapos nadin pglilihi ko..ngayon nsa 8mos na ang pgbubuntis ko.

Magbasa pa

depende nlang sayo momsh.. sabe kase nkaka lambot ng cervix yan. Pero pinapakaen p dn ng ob yan lalo na pag constipated ka. Meron ding mga buntis na kumakaen niyan wala naman nangyayare sknila. Depende naman sa katawan ng tao yan e. Kaya ikaw na lang bahala kung kakaen ka o nde heheh :) Pero ako never, kahit pineapple juice, kahit pininyahang manok or hawaiian pizza iniiwasan ko hahaha O.A no pero para sure lang, hehehe :)

Magbasa pa

wag po muna kumain trust me po.. nangyari na po sa akin yan.😢 ang takaw ko kaya 8 months pa ang baby ko nag.early labor ako diko pa alam kunh bakit pero nagrecap ako sa mga kinain ko.. ang na trace ko na maraming bawal pala ang kinain ko..gaya na nang pinya,hilaw na papaya,sea food na uncooked..tapos umiinom pa ako nang delmonte pineapple halos everyday sa pag aakala ko na safe ay healthy po yon yun po pala hindi..😢

Magbasa pa

First baby ko sana nadali sa pine apple 😭 2months na sya non .. Humilab Yung tummy ko pagkatapos ko kumain ng pine apple tas sumuka ako as in walang natira sa tyan ko after 1 week nag bleeding ako nakunan na pala ako 😭 Hanggang ngaun nagsisi parin ako 😭 sobrang skit prn.. Pero di nmn dw lahat ganon depende po tlaga cguro

Magbasa pa

Hindi bawal ang pinya ok lng kahit kumain ka paonti onti pero dapat tlga d ka kumain nyan pag early stage preggy kapalang or maaga kapa saka kana kumain pag manganganak kana maganda kasi un pag malapit kana nakakatulong daw un mapabilis mag give birth saka advice ko sau momshie pag alam mong alanganin wag mo na kainin para safe

Magbasa pa

Parang hindi po? Kasi nakakapagpalambot yan ng cervix. Pwedeng malaglag si baby. Kahit ako before sobrang nagccrave ako sa pineapple pero nagresearch ako. Sabi bawal daw. Pwede kang kumaen ng pineapple pag nasa trimester kna. Mga 8-9 months. Para lumambot na yung cervix mabilis ang paglabas ni baby

hindi naman siguro momsh kasi ako naglihi ako yan din kinakain ko with asin pa nga eh hehehe, pero nung unang baby ko nakunan ako i don’t know kung dala ng green papaya kasi lagi ako kumakain non with sawsawan na suka pa ayon bawal pala yun

Wala nmn daw scientific basis na nakakacause ng miscarriage ang pineapple during early stage ng pregnancy. So I think okay lang sis, but in moderation para sure. Pero nga tita ko yan pjnaglihihan okay nmn di nmn nakunan

Ako dn ung 11weeks and 4,palng ung tummy ko kumain ako nyan..tpos pag tingin ko dto SA apps at YouTube d pwde..KC pwde Pala nwala si baby..pero now pwde na KC 23weeks and 1day na tummy ko..pakwan nman bwal😂😂😂

Saka na ako kakain nang pinya pag malapit na ako manganak...e2 talaga kinakain ko..tapus konting Asin Lang nde ko pina-partneran nang bagoong simula nang Ng buntis ako sa pangatlo namin nanga2ti ako sa bagoong..

Post reply image