39 weeks and 4 days

Mga momsh malapit na po kasi duedate ko and wala akong ibang nafefeel maliban sa sumasakit puson ko kapag tatayo ako or lalakad. Para talaga malalaglag pempem ko at minsan mahirap maglakad at panay lang paninigas ng tyan ko Pero nong nagpaIE ako last wednesday close cervix pdaw po ako. Nagprimrose narin ako mga momsh. Bawal rin kasi ako sa walking at squats kasi baka daw mauna pumutok panubigan ko tapos di pa nagdilate cervix ko. Nakaka stress mga momsh kasi 3 days nalang duedate ko na 😞😞😞

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Yung primrose mo momsh orally or pinapasok mo po sa private part mo? Natry mo na rin po ba kumain ng maaanghang, pineapple at pineapple juice? Okay lang naman magwalking and squats momsh basta po wag itodo if natatakot ka po na pumutok panubigan mo. Nilabasan ka na po ng mucus plug?

5y ago

Try ko pong gawin yan momsh thank you momsh 😊😊😊