Kasalanan Ko
Mga momsh. Kagabi nag 38 temp ni baby ko. Pinapainom ko nman paracetamol. Bumababa naman sya hanggang 36. 9 tas nag steady ng 37 netong umaga. So inistop ko pag painom ng gamot. Dapat kasi 10am ung gamot eh nasa 37 nlang so stop na. Ngayong 1245 noon nag 37.7 kaya pinainum ko ulit ng gamot. Nag punas lang kami kanina 930am. Dko lang alam bakit bumabalik taas lagnat ni baby ko. Okay naman sya. Di sya matamlay. Okay pag dede nya pati ihi and poop. Madaldal, tumatawa din. Nung sept 27 PCV Vaccine nya. Nag sinat na sya nun nung kinagabihan. Nawala din kinabukasan ng bandang hapon. Possible kaya na nilalagnat sya dahil dun? Di nman ksi sya nauubo o sinisipon o nhhirapan huminga. Pero baka kasi nung sept 29 linggo pumunta kami hospital dahil naadmit pamangkin ko. Sinama ko sya kasi busy jowa ko di mabantayan at warla din kami nun kaya nagmatigas ako. Iniisip ko bagong bakuna naman kaya bka di nman mahawa or what. Ung andun sa hospital ung ate ko na may ubo pero naka face mask. Ung pamangkin ko na babae nilalagnat pero nka face mask din at ung naka admit na may viral dengue. Eh nahawakan sya ng ate ko na may ubo. Dko nman inexpect na magkakasakit si baby ko. So dko alam kung dahil ba sa katigasan ko o sa vaccine nya. Haist. Alam ko mali ung gnawa ko. Kasalanan ko. Pero sna maintindihan nyo na first time mom ako wla kaming kaagapay dto na matanda, patay na nanay ko. Lahat nman tayong first time mom nag kakamali din. And I learned from my own stupidity naman na. Im just seeking for your help as a mom too.
Soon To Be Mama - 1st Time Mama