26 Replies
Not hate pero selos at medyo inggit siguro. Hahahahaha ewan ko ba, palagi ko kasi ini-stalk ex nya gamit fb nya since friends pa rin sila. Tapos kada may notifications ng memories ayun! Nakikita ko lahat ng tagged posts ni ate, so ako nagiging bitter/inggitera... 7 yrs kasi sila ano pang expect natin sa 7 yrs. diba? lahat na nagawa nila (diff kinds of date,even sex okay ang dumi ng utak ko HAHAHAHAHAHAHA pero totoo naman yan e) at both sides close na talaga kulang nalang siguro sa kanila e kasal pero nanlalake siya HAHAHAHAHA tapos nababasa ko rin sa memories mga bitter posts ng asawa ko nung brokenhearted pa siya sa ex niya. Kapag kinikwento ko sa asawa ko ang mga naiisip ko palagi niya lang sinasabi "para kang ano, isipin mo nalang tali na ako sayo ohh. wag mo na isipin yun, jusko." 😂😂 Di ko naman talaga ugali na mainggit e mahirap talaga kapag buntis, palaging praning. Hahahahaha
Kung binibigyan po kayo ng reason to doubt si hubby nyo, need nyong mag communicate. I think this feeling of hate or jealousy might stem from feeling or seeing mga gawain ni hubby nyo dati sa ex nila na hindi nila Ginagaw para sayo or kumbaga para feel mo masmahigit pa naging efforts nya dti kesa sa ngayon. Di naman po natin maiiwasan yan especially kung laban sa first love or sa the one that got away nila. Dpt lang maipakita or ma feel nyo na si hubby is and has been doing all he can, lampas pa sa ginawa nya dati para sa ex nya... Kung ginagawa nman po ni hubby, it means u need to look inside yourself na. Baket ka nagseselos or nagiging low self esteem maske lahat naman ginagawa ni hubby. Wag po palakihin ang green monsters called jealousy.
ako naman sa simula d talaga ako nag seselos kahit konti kasi alam ko laki ng lamang ko sa kanya,isa pa nanlalaki xa kaya sila naghiwalay sinayang nya 8 years nila plan na nga nila magpakasal nun eh,kahit nung nanliligaw palang sakin yung partner ko ngaun nandun parin mga picture nila sa fb nya wala talaga akong nararamdamang selos.nung naging kami na at plan na namin mag baby nung nabuntis na ako dun na nagsimulang magselos d naman as in selos talaga hanggang ngaun nga eh nakapublic sa fb ng babae mga pictures nila kahit may boyfriend na xa tapos ngaun nanaman single nanaman sya 😂.kahit alam kong lagi silang magkikita pareho kasi silang pulis,cguro lang kampanti ako sa partner ko tapat naman sya sakin.
hi sis. treasure the moments nalang na kayong dalawa na sa ngayon. wag mo nang pagselosan ung past. and we have to respect ung mga pinagdaanan na relationships ng partner naten. magng proud ka kung respectful c hubby sa pasts relationships nia kasi expect na ganon din sya sayo. be proud na the one you chose is a real man. and let's be mature enough to deal with those things yang mga selos selos na yan. let's be the best version of ourselves tapos asikasuhin at ingatan naten kung ano meron tayo ngayon. wag ka mainsecure, mapapraning ka sa ganon hehehe.
sobrang relate ko sayo sis. ganyan din ako sa ex ng partner ko. pero hindi naman ako naiinis. nagseselos lang ako sa nakaraan nila. hehe. pero iniisip ko nalang palage na ako na mahal niya ngayon at yung magiging baby namin soon. although hindi pa din talaga siya mawala sa isipan ko. lalo nat friend ko siya sa fb. pero pinipigilan ko sarili ko na iistalk siya kasi hindi maganda lalo na buntis ako 😊. let go nalang po. kung alam niyo naman po na mahal kayo ng asawa niyo ngayon no need to worry na about kay ex. past na nila yun.
Hi sis! ako sobrang naiinis ako sa ex ni hubby kase i can't even imagine how sweet they are nung sila pa grabe nakakagigil. Although may anak na din yung ex nya at magkakababy na kami ni hubby di padin mawala yung inis ko sa kanya. Nung nakaraan nga lang nag away kami ng ex ni hubby kase sabi nya lagi daw siyang tinitignan ni hubby pag umuuwi kami sa bahay ng tita ng hubby ko. Grabe gigil ko kaloka. Di na sya nahiya hahaha may anak at asawa na sya e mag aassume pa sya na gusto pa siya ng hubby ko
thank you for your reply
Bakit mo pa sya iniisip e ikaw na nga ang asawa? Di po maganda yung ganyan. Sa ex-bf ko, ganyan din ako dati. Lagi kong iniisip yung ex-gf nya na sinundan ko, ni-sstalk ko pa sa FB. Ang ending nabuntis siya nung bf ko that time, habang kami pa. 3 na anak nila ngayon. Haha. Tanggalin mo na si ex-gf ng hubby mo sa system mo. Focus on what you have. Sabi nila kung ano lagi mo iniisip, nagkakatotoo. Thoughts become things. So dapat positive thoughts lagi. Dapat di ka na affected sa ex nya.
Ako hindi, kasi mas maganda pko dun eh. wala nmn xang naging ex din na lumampas sa ganda ko. kaya chill lng.😂 Kidding mommy.😊 pero srsly, they've been together nung wala ka pa so whatever happened nung past nila labas ka na nun. pero kung kumekerendeng pa din while kayo na, talk to your husband about it na. Communication mumsh. Dapat ganun. wag isipin kasi may baby kang dala. Si baby maapektuhan..hindi ikaw, hindi si hubby mo, hindi si ex nya.
Momsh, bakit ka po naiinis sa kanya? Naiinsecure po ba kayo sa kanya? Nahuli nyo po ba sila ever ng asawa nyo na magkasama or magkausap nung kayo na? Balik ba ng balik yung ex o umeepal sa relasyon nyo? Kasi kung hindi, Dapat di na ganyan feeling mo mommy kasi in the first place, nasayo na yung asawa mo. Ikaw ang pinakasalan. Wag ka na mainis sa kanya. Ngayon kung may history yung asawa mo na nakikipagusap sa ex nya habang kayo, doon ka magkaganyan.
Naranasan ko din ganyan momsh. Yung thoughts lang talaga nung sila pa ang nakakainis. 😂😂 Pero ngayon di na.
Mamshie dont dwell too much on your hubby's past. All couples have different love stories and yours is different 💕. As long na wla nmang gnagwa ung hubby mo sayo at di nmn nanggugulo ung babae then let go of the negativity. Isipin mo na lang na ikaw ang present and you have a lot of time to build great memories.. Pinagdaanan ko din yan and my partner helped me realised everything :) Kung gusto mo kausapin mo sya to ease your worries
Jay Anne