Kasal
Mga Momsh, gusto ko sanang malaman ang opinyon nyo. Kapag nabuntis ba kayo ng boyfriend nyo, dapat bang ikasal na agad kayo bago lumabas si baby or kahit hindi na muna? I'm talking about legitimacy of the child.
Kung sure naman kayo sa partner niyo ngayon, why not po para hindi sya maging illegitimate child. Pero kapag nakapagdecide kayo maikasal pagkatapos mo na manganak, the child would still be considered as illegitimate parin po because he was born out of wedlock..
No kung ang iniisip nyo lang is ung baby. Hindi rin magiging happy ang married life nyo kung kayo mismo mag partner eh Hindi masaya at hindi kuntento sa love ng isat isa. Maraming paraan para masuportahan ang baby ng hindi kinakasal
hindi naman "DAPAT" kasi ang importante ung gusto niyong dalawa, at ready na kayo para dun. kami ng asawa ko kinasal 7 months na tiyan ko 😊 no rush, nasainyo yan.. pero syempre mas ok pag nasa maayos na kayong kalagayan
Kung talagang mahal nyo yung isa't isa, why not? Pero kung magpapakasal kayo dahil lang sa may nabuo, pag isipan muna maigi. Walang divorce sa Philippines. Pede pa din naman gamitin ni baby surname ni daddy kahit di kasal e.
Mas magnda talaga pag kasal para matawag n legal.. Pero sis if you have doubt sa pagsasama niyo ng partner mo like plagi kau nag aaway o may instances na di siya loyal sayo. Wag nalang baka pagsisishan mo pa na natali ka
If you love each other naman why not?meron nga iba jan andami na anak hindi parin pinapakasalan eh haha nasanay na kasi sa setup na mag asawa na turingan kht hindi kasal legally. Go for it if sure kana sa bf mo♥️
Depende naman sa inyong dalawa yan momsh, kung ready na kayong dalawa or not. Baka kase pag nagpakasal kayo e yung isa naman pala sa inyo e di pa ready another problem na naman.
Hindi kami kasal ng ama ng anak ko even nakapanganak na ako. Ok naman po, apelyido ni baby ay sa ama nya. Basta mapermahan yung acknowledgement sa likod ng live birth nya.
D kmi mgpakasal ni bf muna Kasi bago pa din kami eh. Pero makukuha ni baby apelyido nya no matter what Kasi I believe right Yun Ng baby ko to have her father's last name
Of course need mo ng kasal if youre talking about Legitimacy. Kase although gagamitin ni baby apelido ng bf mo still illegitimate child pa din si baby.