My pregnancy

Hello mga Momsh. Gusto ko lg iShare ang story ng pagBubuntis ko at gusto ko rn malaman kung meron ding bang na karanas neto or merong same case neto. niRegla na ko grade 4 pa lg ako, regular nmn sya hanggang sa Grade 6 na ko kaso nung nagGRADE 7 na ko nagStart na sya maging irregular as in Once a year or twice a year na lg sya kung dumating at mga isa/dalawang buwan pa tlaga ito na hihinto. nagpaCheck up din namn ako sa isang Ob at ang Findings nya is my hormonal imbalance dw ako kaya ganun ang regla ko. hndi nmn sya nagBigay ng medicine para dun kasi sabi nya babalik din nmn daw sa pagiging Regular yung regla ko kung 18 na ko at kung hndi pa daw naging regular at the age of 18 babalik dw kami sa knya. So yun na nga Grade 11 ako meron akong Bf at maraming beses na my nangyari samen kala ko hndi ako maBubuntis kasi nga irreg ako at my Hormonal imbalance ako pero maling akala pla talaga yun kasi na buntis ako nung Bf ko. tinapos ko ang Grade 11 ko bago ko sinabe sa mga magulang ko na buntis ako maging sila hndi nila inExpect na mabubuntis ako kasi nga my irreg at my hormonal imbalance ako. pinagHiwalay muna kami nung tatay ng anak ko dinala ako ni mama sa maynila tas yung bf ko na iwan sa probinsya. na hirapan ako sa pagBubuntis ko kasi pinag'enrol pa rin ako ng mama ko sa maynila ng Grade 12 kahit na buntis ako. pinagagamit nya din ako ng girdle para dw walang makaAlam na buntis ako. so ayun na nga dinudugo ako nung buntis ako pinaCheck up ko sya tas tinigil ko na din ang paggamit ng girdle. pero na gulat ako sa sinabe ng Ob ko sabi nya kasi parang nagkakaroon dw ako ng Monthly period kahit na buntis ako.Ok nmn dw ang baby tas wala nmn daw internal na pagdurugo niresetahan nya lg ako ng ferous para dw hndi maging mababa ang dugo ko. nagSimula yung pagkakaroon ko ng pagDurugo o monthly period (sabi ng Ob ko) nung 4 months na akong buntis hanggang sa ika8 months ko ng pagBubuntis. pero nakakaLungkot lg isipin na hndi nakaSurvive ang baby ko pagkapanganak ko mga ilang oras lg nakaLipas eh iniwan nya din ako. after ko manganak nun akala ko magiging regular na ulit period ko pero hndi pa rin pala kahit 18 na ko nun at hndi pa rn regular yung regla hndi na ko bumalik sa Ob ko.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

In my case, may PCOS ako for so many years. May cysts ang left ovaries ko na madami dami. Then nitong nabuntis ako, nawala ang cysts ko and wala na rin ang PCOS ko.

4y ago

Wala po sis. Hindi ako nakapagmaintain ng gamot bago ako mabuntis. Himala talaga na nabuntis ako. Lalo na at morbidly obese rin ako right now.

VIP Member

Mas maigi mag 2nd opinion ka sa ibang OB sis pra maresetahan ka ng tamang gamot para jan...

Related Articles