sobrang malas ko ba?

hi mga momsh gusto ko lang magrants about sa life kase super naiistress nako and awang awa nako sa sarili ko at sa magiging baby ko kase pati sya nadadamay sa mga problema ko sa buhay i dont know why pero bakit feeling ko ayaw ako pag bigyan ng panginoon na umasenso ginawa ko na lahat ng effort ko pero naguumpisa palang ako alam kong talo nako. kase ganto po yun. nagisip isip ako pano bako makatulong sa asawa ko sa mga gastusin sa pagbubuntis ko kase halos wala talagang tumutulong samen even parents namen kahit kapatid ko na abroad wala ako malapitan gusto nila magpursige lang asawa ko kase binuntis buntis nya ko tapos di pala ako kayang buhayin syempre para sakin masakit sa part ko paren yun par sa asawa ko kase alam ko ginagawa naman nya lahat para sakin at para sa baby ko so nagisip ako pano ko ba sya tutulungan then naisip ko magonline selling nalang ng mga damet nangutang kame ng malaking pera para makadagdag ipon. Pero ang sakit mga momsh walang sumuporta sa mga paninda ko walang bumibili ngayon larang nadagdagan lang lalo yung problema ko. lalo ko pang napahirapan asawa ko dahil magbabayad na kame ng utang wala pang nabalik sa pinuhunan ko paano ba gagawen ko mga momshie tapos nagpacheckup pa kame kahapon at ayun binigyan nako pampakapit dahil bumaba ata matress ko sa sobrang stress ko lately. hayys. sobrang malas ko.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

hello mommy, sa mga group ipost mo yang mga paninda mo na damit baka may bumili, huwag ka mawalan ng pag-asa mommy, pray ka lang kay Lord malalampasan niyo yan ng asawa mo. minsan talaga kapamilya pa natin ang hindi natin malalapitan, ganyan talaga lalo na pag nakaangat angat sila kahit kunti, nakakasama ng loob ramdam ko rin yan. laban lang mommy.

Magbasa pa
2y ago

huwag ka na masyado magpakastress at umiinom ka pa naman ng pampakapit, mukhang maswerte ka naman sa asawa mo eh 🥰