12wks Preggy Still Working
Mga momsh, gsto ko lang ishare tong nararamdaman ko ngyon. Sa totoo lang po gusto ko ng mag resign sa trabaho ko dahil sobrang bigat po ng workload. Hindi ako na sstress sa paligid ko kasi masaya naman na sstress ako sa bigat ng trabaho ko every 2hrs my kailngan ipasa report. Every 30mins kailngan my update ako. Sa pagitan ng 30 mins interval na yun kailngan ko pang imonitor yung IT infrastructure. Gusto ko ng mag resign. Ang problema ko hindi ko magawa :( kasi mas malaki pa kinikita ko kesa ky LIP. at yung pera pa ni LIP halos kunin ng mama nya lahat pambayad sa tubig, sa gasul, allowance ng kapatid nya. Papaano na dba :( kanina sa stress sa work nag spotting nanaman ako :( agad agad nag pabili ako sa kawork ko ng Duphaston pati Isoxilan. Ang sakit pa ng puson ko ngyon. Sana wala naman masama mangyari ky baby ko. Sa sobra bigat ng workload sa trabaho hindi ko na mgwang umihi on time lalo na ngyon lagi ako ihi ng ihi d na din ako makakain ng payapa dahil kumakain ako habang nagtratrabaho. Ang hirap lang ng sitwasyon ko.
Excited for my 2nd aNgeL :)