Contraction Feeling

Mga momsh, first time pregnancy ko po kasi. Ano po ba feeling ng contraction? 39 weeks na po ako. EDD October 22 pero sarado pa rin po. Yung feeling ko now naninigas po yung tyan ko tapos madalas gumalaw si baby. Madalas din po ako maihi pero wala naman po ako discharge. Yung balakang ko rin po sumasakit kapag naglalakad lakad pero nawawala rin kapag nagpahinga. May nakapagsabi sakin parang napopoop daw pero parang false sakin kasi napoop lang talaga ako hehe.

9 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ako mi nanganak sakto 40 weeks, download mo yung contraction app sa google play. Big help yun saken kasi namonitor ko yung interval ng contractions. a night before my duedate, di ko na kaya yung sakit, pgcheck ko sa cr yung discharge ko na prang sipon may slight blood na. Nagpadala na ko nun sa ospital mga 10:30pm pag ie sken 8cm na ko. 3am baby out.

Magbasa pa