Neopenotran Suppository

Hi mga momsh. Ask lang po if safe po ba gumamit ng suppository sa 34weeks preggy. Nagkaka discharge po kase ako ng yellowish tapos makati, though malinis namn ako down there kase lagi ko nagamit ng tissue pero sabi ni ob ko much better si wipes dahil minsan may naiiwan na himulmol kapag nagpupunas ng tissue. So safe po kaya sya sa baby? May nakapag sabi po kase na kapit bahay ko n gumamit daw po sya ng suppository then nagka prob po yung baby nya. Huhu first time mom po ako at nangangamba lang baka magka side effect si baby. Sana po ay mapansin nyo.

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

safe yan. ang di safe yung vaginal infection mo na di magagamot kung di mo itatake yang gamot na yan. yungbkapit bahay mo doctor ba yun? sya ba ob mo? paniwalaan ang ob wag ang kapitbahay. niresetahan ka na ni OB mo ng gamot take mo na yunlalo at malapit ka na manganak. pag di yan nagot pwedeng mahawa baby mo.

Magbasa pa
2y ago

thank you po. nag take na po ako medyo mahapdi lang sya

safe po yan, kasi gumamit din ako nyan sa nung nasa pangatlong buwan na ko. And nag asked ako kay OB kung wala siyang epekto sa baby, sabi niya wala naman daw epekto yung gamot sa baby pero yung infection kapag di nagamot yun yung may epekto sa baby.

Nagsuppository din ako nung 25weeks ko kasi nagkaka discharge ako nun at may smell at the same time may UTI din. Yun Ang advise ng OB ko sakin gumamit ako nun for 1week. Basta may advise sayo yung OB mo na gumamit ka suppository.

pwede kapa kasi magsuppository ..kapag po nsa 37weeks onwards bawal na po ang suppoisitory antibiotics na po ipapatake .. ganyan din ako nagsuppository ako for 1week...

safe naman po. I have an infection also na pabalik2 when I was pregnant dahil gdm ako. Trust ur ob di nman sila magbibigay ng gamot na mkakakaama sa baby

safe yan super effective pa mula nung gumanit ako nyan dina nag ka amoy ng mabaho yung private part ko basta after sex ihi lagi

2y ago

ganon po talaga pag umiiffect yung gamot pinapatay po kasi yung bacteria kaya may mahapdi kayong nararamdamn

yes mama nagkainfection din ako nung buntis ako uti naman bukod sa gamot nagsuppository ako.

Di naman magbibigay OB kung ikakaharm mo at ni baby, kainis 😕

2y ago

kaya nga sya nagtatanong diba?! duhh

ako while pregnant antibiotics

Kapitbahay is stronger than OB