38 Replies
kung may nakalaan ka na na budget, as early as 4 or 5mos pwede ka na magstart ng small items na generally gagamitin talaga ni baby mo tapos unti unti mo nalang dagdagan. mahirap kasi isang biglaan bumili ng gamit dahil meron talagang ibang items na mejo pricey. kung damit naman, kahit 3-5 sets po ok na po yun for newborn kasi mabilis lang lumaki si baby. pag tingin nyo po kulang na by the time anjan na si baby, tska nalang po kayo magdagdag.
Wala naman right time mamshie.. ok lan na magstart ka maaga paunti unti para di naman mabigla ang budget nyo, u can buy white garments muna para sa newborn then when the time comes na alam mo na gender ni baby then u can buy stuff na pink or blue.. saka i guarantee u mamshie na makakalakihan ni baby agad ang mga damit so invest more on sa mga gamit na magagamit ni baby kahit mag toddler sya😊
Para po sure 7 months kasi may kilala ako nung nagpaultrasound siya sabi girl nung una tapos nung second ultrasound niya boy pala. May mga ganyan po kasing pangyayari na akala nila girl sa una pero boy pala kasi pag boy mas madali malaman kesa pag girl kasi pempem or para po mas safe mga white na damit po bilhin niyo.
Hi, ako momsh nag start mamili 24 weeks pero paunti unti lang . un pinaka first needs lang nia inuna ko gaya ng mga barubaruan at supplies na kekelanganin nia. Mejo mabigat kc sa budget kpag binigla mong bili. Puro White or unisex color lng binili ko nun since 25weeks ako nag pa ultrasound for gender.
Nung 17 weeks po as soon as malaman namin gender ni baby bumili na po kami agad ng mga damit nya. Masakit kasi sa bulsa kung isang bagsakan ung pag gastos ng mga gamit para kay baby. Mas mahal pa mga damit at gamit nya keysa sa gamit ng adult.
mahirap kasi pag online di mo makikita ang quality ng bibilhin mo, iba parin pag ikaw mismo ang bibili at makakakita 😊
once na malaman na po ang gender. mahirap mamili pag masyado na malaki tyan at kabuwanan na.tulad ko, d tuloy ako masyado makapili kasi pagod agad.ang sarap pa naman mamili ng baby stuff 😀
kaya nga nakakaexcite mamili hehehe
excited na kasi ako mamili kaso ayaw pa ng parents ko hahhaa, mapamahiin kasi first baby pa heheh. Gusto kasi nila mga 8months na daw ganern hehhe!excited lang kasi 😅
Kung may budget kana, kahit pagkalaman niyo ng gender pwede na. Siguro po late na ang 7months para din di ka matagtag pag medyo malapit na kabwanan mo.
Unti untiin every month para hindi isang bagsakan. :) Para a month before due date, prepare nalang ng gamit na dadalhin sa ospital. :)
Ako din excited na haha kaso ayaw pa ng daddy ni baby e . Gusto nya 8 months na si baby bago ako mamili . 😂 So june pako mamimili hehe.
kami same ng hubby gusto na mamili haha kaso ayaw naman ng parents ko pag 8 months na daw baka mausog hahhaha
Hazel Bermoy