Everyday Law "ATTY., MAY DATING KALIVE-IN PO AKO, PWEDE KO BA KASUHAN ANG NANAY NG ANAK KO DAHIL AYAW IPAHIRAM SA AKIN AT SA PARENTS KO ANG ANAK KO?" ANG BATA O ANAK NA ISINILANG NA HINDI KASAL ANG MAGULANG AY DAPAT SA CUSTODY NG NANAY AT ANG TATAY AY BINIBIGYAN LAMANG NG BATAS NG VISITATION RIGHTS AT HINDI CUSTODY RIGHTS SA KANYANG ILLEGITIMATE CHILD. HINDI PWEDENG ITIGIL NG TATAY ANG PAGSUPORTA SA ANAK DAHIL LAMANG SA HINDI PAGPAPAHIRAM NG CUSTODY NG ANAK DAHIL ANG HINDI PAGSUPORTA SA ISANG ILLEGITIMATE CHILD AY MAY PARUSANG KULONG UNDER REPUBLIC ACT NO. 9262. ANG PAGSUPORTA SA BATA AY HINDI RIN DAHILAN UPANG SAPILITANG KUNIN NG TATAY ANG ILLEGITIMATE NA ANAK SA KANYANG NANAY, DAHIL ANG NANAY ANG MAY SOLE PARENTAL AUTHORITY SA BATA. Meron nagtanong sa E-Lawyers Online kung ano ba ang legal remedy ng isang tatay upang makuha ang custody ng kanyang illegitimate child sa nanay nito. Ganito ang question niya: "Atty., may dating kalive-in po ako, pwede ko ba kasuhan ang nanay ng anak ko dahil ayaw ipahiram sa akin at sa parents ko ang anak ko. Pwede ko rin po ba itigil muna ang suporta hanggat hindi niya pinapahiram ang anak ko. Tatay din naman po ako na may karapatan sa anak ko. Tama po ba atty?" Pwede bang gawin na kundisyon ng tatay na ibigay sa kanya o kunin ang illegitimate child mula sa nanay at kung hindi ibibigay ay hindi niya susuportahan ang bata? Hindi po. Ang suporta ayon sa batas ay isang legal obligation na walang kundisyon na pinapataw para ito ay maibigay ng magulang. Ang custody ng bata na pinanganak kung saan hindi kasal ang magulang ay binibigay sa nanay. Ito ay nasa Article 176 ng Family Code: "Art. 176. Illegitimate children shall use the surname and shall be under the parental authority of their mother, and shall be entitled to support in conformity with this Code. The legitime of each illegitimate child shall consist of one-half of the legitime of a legitimate child. x x x" This is an absolute right of the mother at ang binibigay na karapatan lamang sa tatay ay visitation rights o ang karapatan na bisitahin ang bata. Ang nanay ang magbibigay ng karapatan sa tatay kung gusto nito na ibigay ang custody sa anak ngunit ito ay dapat dumaan sa korte. Ang pagpapahiram sa anak na illegitimate sa tatay o sa pamilya nito ay hindi agad nangangahulugan na binigay na niya ang custody ng bata. Ayon sa Article 210 ng Family Code ay ang "parental authority and responsibility may not be renounced or transferred except in the cases authorized by law." Ibig sabihin ay ang karapatan ng magulang ay hindi basta-basta naiwawaksi o naililipat maliban sa mga kaso na pinapayagan ng batas. Nasa Article 228 ng Family Code na permanenteng nawawala ang karapatan ng magulang sa anak kung namatay na ang magulang o ang anak, o naging emancipated na ang anak. Ang emancipation ng anak ay nagaganap kung siya ay umabot na sa edad na 21 years old kung saan ay may karapatan na siyang mabuhay ng independent sa kanyang magulang. Ang karapatan ng magulang sa anak naman ay nawawala rin ayon sa Article 229 ng family Code, (1) Upon adoption of the child; (2) Upon appointment of a general guardian; (3) Upon judicial declaration of abandonment of the child in a case filed for the purpose; (4) Upon final judgment of a competent court divesting the party concerned of parental authority; or (5) Upon judicial declaration of absence or incapacity of the person exercising parental authority. Also, Article provides na "If the person exercising parental authority has subjected the child or allowed him to be subjected to sexual abuse, such person shall be permanently deprived by the court of such authority." Dahil ang custody at parental authority ng isang illegitimate child ay binibigay sa nanay ng bata, ang tatay ng bata ay walang legal na basehan upang magbigay ng kundisyon para sa pagbibigay niya ng suporta. Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak. Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment). Kung gusto nyo na magkonsulta tungkol sa suporta o sustento ng magulang o Republic Act No. 9262 o Anti-Violence Against Women and Their Children Act, register at my website at www.e-lawyersonline.com. Visit and also like my FB page E-Lawyers Online. Ito ang link http://www.facebook.com/E.Lawyers.Online. All copyright of this post is reserved by Atty. Marlon P. Valderama and E-Lawyers Online. Sharing is allowed provided the author is acknowledged and clearly indicated.
mejo mahirap mommy kasi d kayo kasal at d mo mapapagamit kay baby yung surname niya kasi need ng pirma ng partner mo. ang maganda mo nlng gawin is hanapan tlga ng way para makausap sya.sa legal way naman, hindi mo basta basta makakasuhan kasi wala ka pinanghahawakan. at pwede ka nila hingan ng dna test bago magkaron ng responsibility si husband.kung mapapatunayan sa dna.tingin ko mommym since malapit kn manganak,focus ka muna sa panganganak mo.mahirap kasi pilitin ang taong ayaw.saka ka mag.isip ng way paano.pwede ka magpabarangay para at least mapursige sila lumabas at kausapin ka.
pede po kayo magfile ng case sa father ng anak nio kc kahit d ka kasal sa kanya basta anak nya yan tapos d nagbibigay ng needs o nagpaparamdam sa inyo pwede na sa makasuhan basta mapatunayan niyo na sya yung tatay nung baby niyo may batas na po para sa mga tatay na d nagsusustento sa mga anak nila obligasyon nila yan eh...