Diaper

Hi mga momsh ask ko lang po if normal po ito sa baby ayan po ung wiwi nia today nainom po kasi sia ng tempra kasi may lagnat anu po kaya ito? Sana may sumagot wala po kasi pedia o baka meron po kayo pedia na pwede namin tawagan or puntahan around taguig lang. Thanks

Diaper
15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ANO ANG IBIG SABIHIN NG ORANGE STAIN SA DIAPER NI BABY? DELIKADO BA ITO? Kapag nakakita ka ng kulay orange (urate crystals) sa diaper ni baby, maaaring ito'y maagang senyales ng dehydration o kaya naman ay UTI. Maiging pasusuhin ng mas madalas si baby kung siya ay wala pang 6months o kaya naman ay painumin ng mas maraming tubig kapag 6months pataas na siya. Karaniwang nangyayari ito kapag mainit ang panahon kaya kailangang siguraduhing properly hydrated si baby sa ganitong pagkakataon. Kapag may napansing kakaiba kay baby tulad ng panghihina o pananamlay, dalhin agad sa doktor para matukoy agad kung dehydrated siya at para ma-check na rin ang ihi niya. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay dehydrated ang bata o may UTI kapag hindi nakakapuno ng diaper. Maaari ring i-consider na output ang dumi at pawis ng bata. Kapag pawisin naman at dumudumi ng maayos, ibig sabihin ay nakakasuso siya ng maayos. SOURCE: Breastfeeding Pinays NOTE: Personal ko nang naranasan ito sa baby ko nung wala pa siyang 6months. Hindi siya nakakapuno ng diaper noon at may kulay orange sa diaper niya. Pinasuso ko lang ng pinasuso at naging normal na. Ccto:

Magbasa pa