35weeks / 1cm -open cervix

Hello mga momsh, ask ko lang kung may nanganganak ng 35weeks .? Sumasakit sakit na kasi puson ko, naninigas yung baby tas parang humihilab. Then kanina nag pa check up ako sa ob ko. Kelangan ko pa daw ng 2weeks para ma fullterm si baby. Pero pagka i.e nya po sakin open cervix na at 1cm na daw. Nasa preterm na daw ako ng paglalabor. Kaya nagpa gawa na ko ng early leave sa kanya para makapag leave na ko ng maaga. kasi Need ko na daw mag bed rest at kahit maglakad lakad bawal na rin sakin. Kinakausap ko nga si baby na dipa sya pede lumabas, gusto ko na syang makita pero ayoko naman na kulang sya sa weeks.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Kapatid ko nanganak ng 32 weeks. Thru e-cs nga lang. Kasi tumaas bp nya at high risk na daw sabi ng OB. Ayun 1 1/2 yr old na baby nya. Sobrang likot at matalinong bata. Naging normal naman paglaki nya.