Crib, Stroller and Walker
Hi mga momsh, ask ko lang if malaking tulong ang tatlong to sa development ni baby and alin jan ang pinakaimportante po sa tingin nyo. FTM here and yung hubby ko kasi parang hinayang na hinayang kapag naisip kong bilhan ng gamit yung anak namin 🤦😔 Lam nyo na pag mommy gusto lahat ang best para kay baby.
Actually po lahat po yan essential pra sa baby. I even have po baby bouncer and playmat for changing diaper. Pg my baby po tlg ang gastos promise sa mga everyday essentials p lng butas n butas n bulsa mo.
Para sa akin malaking help yung crib lalo na sa maaga nyang pagtayo at paglalakad kasi parang yun ang magiging training ground nya. 0-2yrs old magagamit ng baby mo ang crib.
Crib kasi higaan na nya at parang laruan na din nyan nagagamit hanggang 2 years old. Yung iba pwede naman tyagaan nalang sa buhat saka tyagaan alalay mag turo mag lakad
Crib po ang pinakaimportante kase malaking tulong un kapag may gagawin ka pede mu xa ilapag dun at dun din xa mgpraktis tumayo at maglakad2.. dun nrin xa magplay
Nung buntis pa po ako di pa kami nakabili ng mga yan pero binili na po namin nung nalaki na si baby. Big help din po para may magawa kang ibang gawain.
Buti nalang may nagbigay sakin ng crib. Tsaka nako bibili ng stroller pagneed na talaga dirin naman makakalabas ngayun eh
Buti nalang may nag bigay sakin napag lumaan ng anak nia naka tipid ako. Crib at stroller laking savings haha
walker or andador...milestone nya ang paglalakad..duyan din..kahit noong panahon yan lang ginagamit talaga.
Crib po. Hindi ako bumili stroller kasi natatakot ako igala gala ang baby ko
pwede namang bilhin yan lahat . wag lang siguro biglaan . paisa isa lng .