Baby kick
Mga momsh anong week normally mafefeel yung kicks ni baby? 17 weeks preggy na po ako. ?
Ako naconfirm kong sipa na talaga sya nu g 20weeks sakto ako. Kasi ayokong magfeeling noon hahaha. 16weeks nafifeel ko sya na parang may butterfly sa tyan ko parang kumukulo pero ayoko naman lokohin sarili ko kaya hinayaan ko lang nung nag20weeks ako madalas ko ng nararamdaman kaya alam kong si Baby na yun.
Magbasa pa17 weeks po 1st kick ni baby ko na as in naramdaman kong sumipa tlga sya 😁😂 pero hindi pa po masyadong malakas, parang tumapik po pero alam mong kick sya ni baby. Usually po sa gabi before magsleep sya nagkikick.
Sis actually 8 weeks palang sumisipa na si baby kaso d pa gaano mararamdaman pero minsang nagiging visible ang sipa nya around 16 or 18 month mafefeel mona at lumalakas yan pag tungtung ng 20 weeks pataas
16 weeks and 3 days po ako.. nakakaloka nfi ko man lang alam kung galaw na ni baby un. bsta piyik lang sya. tska parang may kakaiba sa loob ng tyan ko. diko maexplain hehehhehehe. ftm po kse ako ...
ako 19 weeks nafefeel ko n sya palakas ng palakas lalo na sa umaga at gabi super likot. then naconfirm ko sya nung ultrasound kitang kita ung kalikutan nya nakakatuwa
17 weeks malakas na kick ng baby ko.. Panay ikot at hiccup..tuwing Gabi na nakahiga nko sobrang galaw..
as long as ok naman po heartbeat ni baby every check up no need to worry po.. by 5 months 22 weeks onwards surely ramdam mo na c baby
As early as 16wks po ang quickening pero most moms dpa masyado nakakafeel lalo na pag ftm.
currently 18weeks ako, parang may umiikot na may gumagalaw sa bandang puson 😅
16weeks ako nung first na naramdaman ko kicks nya pero mahina pa hehe. FTM here
17 weeks may pitik pitik na pero mahina parang may butterfly hahaha ang cute
Yes sis around 16 weeks ko sha lagi nararamdaman
Nurturer of 1 superhero little heart throb