binyag

Mga momsh anong say nyo sa idea na pagsabayin ang binyag at first birthday ni lo? Napag usapan kasi namin ni partner, ang first plan kasi sa january ang binyag then nabanggit nya na yung kumpare nya pinagsasabay daw ang binyag at first birthday ng anak para makatipid. I got the idea na ganun din yung gusto nya, so I asked him again, pagsabayin na nga lang daw ok lang naman daw siguro sakn. I said ok, pero I told him ulit na baka pwede nya pa pag isipan, ang sakn lang naman kasi magkaibang event yun sa buhay ni baby, at first baby ko syempre kaya gusto ko sana lahat ng best maexperience nya. Nasabi ko lang naman yun kasi alam ko na kaya naman magprovide kasi may source naman. Honestly medyo masama ang loob ko, sa July pa ang 1st birthday ni lo.

27 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ano naman masama kung pagsasabayin, bakit kailangan sumama ng loob mo eh ang importante maidaos nyo, besides di naman pa alam ng baby yan. Are you doing that for the baby or for you.? Tama naman ung asawa mo mas practical. Ung 2 anak namin sabay ang dedication at 1st birthday. I dont see anything wrong with that.

Magbasa pa

kami pinagsabay na ang first birthday at binyag. ang reason namin para isang gastos nalang, isang handaan, minsanang pagod nalang. yung event naman na yun ni baby sobrang pinagbuhusan na namin ng effort kaya ok naman. choice mo pa rin naman yan momsh, kung gusto mo wag pagsabayin be honest with him nalang, pag usapan nyo

Magbasa pa

Mumsh hindi pa naman maaapreciate ni baby ung mga ganyang event kasi bata pa, baby pa. Ikaw na nagsabi na first baby niyo so dapat lahat ng needa ibibigay lahat ng wants pag iisipan kung ibibigay din. Be practical mumsh. Just my opinion

Actually ako din po same tayo ng idea n magkaiba kasing event but when it comes to practicality issue mas favorable sya n pagsabayin,but its up to you pa rin po 😊😊😊

Eto yung pinag-iisipan namin. For me, practical if pagsasabayin ang binyag and 1st birthday. Isang buong araw lang na pagod at halos same lang din ang mga dadalong bisita. πŸ˜›

agree ako dyan na pagsabayin nalang.para mas tipid sa gastos.d pa naman nya.maa aapreciate maasyado yan.kasi baby pa.paglaki.nalang siguro.pero kung may budgetka naman.why not

VIP Member

Para sa akin, mas practical ang pagsabayin. Kasi 1st birthday pa naman. Hindi pa naman nya gaanong ma eenjoy yun sapagkat 1 year old palang sya. Anyway, nasa saiyo parin yun.

Ako pag sasabayin ko. Mas tipid e. May source of income din naman kaya naman magkahiwalay kaso mas maganda kung yung extra itabi nalang muna para sa emergency purposes.

Super Mum

Sabay din 1st bday and binyag ng daughter ko.practical din kasi lalo if same set of guests naman. If gusto mo talaga hiwalay, try talking it out with your husband.

VIP Member

Hindi naman yan maaalala ni baby kahit anong bongga ng event nyo. Mas maganda pa paghandaan ung mga birthdays na may isip na si baby at matatandaan nya na πŸ˜‡