ang sakit sakit na sobra

Mga momsh anong dapat kung gawin. Kasal kami ng asawa ko and FTM din, currently ko lang nalaman na may ka-live in pala sya at may anak silang 6yrs old na. Nalaman ko lang nung kasal na kami, and tinanong ko sya kung bakit di nya sinabi sakin na may iba pala sya at bakit nagawa nya pa akong pakasalan kung may ibang babae pala sya. Ang sagot nya lang sakin eh kasi daw ako naman ang mahal nya kaya ako pinakasalan nya. Okay na sana lahat eh, kilala na ako ng parents nya bilang asawa nya, may sarili kaming bahay pero ang di ko lang magets bakit every Sunday umuuwi sya dun sa babae at anak nya. Kung talagang di nya mahal yung girl eh bakit kailangan nyang umuwi dun? Kung dahil lang sa anak nya okay lang naman na sustentuhan nya eh wala namang problema sakin yun, naiisip ko talaga lagi pag umuuwi sya dun na baka may nangyayari padin sa kanila syempre ka-live in nya yun eh. ? Di ko na alam iisipin ko. Sorry mahaba mga mommies. Wala lang akong malabasan ng sakit at sama ng loob. ?

125 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Sis sorry ha, pero ang tanga naman ng pinakasalan mo. Mahal ba tawag diyan? Kinaya ka niyang pakasalan na may tinago sayo. Galing magtago niyan ha. Tapos ngayon na ikaw ang pinakasalan, aba sis na sayo lahat ng karapatan. Kahit pa sabihin na may anak sila at nauna siya kesa sayo sa mata ng batas ikaw ang papanigan. Kung ako yan, pag di nadala sa usapan kakasuhan ko yang asawa ko o silang dalawa. Uuwi sa kabit niya knowing na may legal na asawa naghihintay sa kanya at buntis pa! Ano yan libog ba asawa mo di ka magalaw kasi preggy ka kaya yong isa naman. Wag kang pumayag sa ganyan! Sustento pwede pa kasi anak niya yon sa babae niya pero wag naman pati asawa mo. Ilaban mo yan. Habang hinahayaan mo silang ganyan parang sinabi mo na din na gusto mong may kahati sa asawa mo. Sis, tandaan mo. Ikaw ang legal na asawa.

Magbasa pa
4y ago

Tama!