Mga ex ni partner

Mga momsh ano po mararamdaman nyo pag banggit ng banggit yung biyenan nyo tungkol sa mga ex ng partner/asawa nyo? Tapos puro magagandang katangian pa ng mga ex ny yung sinasabi nya.

71 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ex ng LIP ko pumunta pa sa bahay nila nung nabuntis, hanggang manganak dinala dun yung baby nya para mameet nung parents ni LIP. Di naman anak ng LIP ko yun, bakit kelangan pa pumunta sa bahay ng LIP ko?

6y ago

Pinaka magandang gawin mo jan,pakita mo na wala ka pake. Sabihin mo lang "ay,talaga?dinala niya baby niya? Mabuti naman may sarili na siyang buhay"mga ganun. Tapos ngiti ngiti lang. Tapos imbis dun ang bigyan mo ng atensyon,yung sa inyo ng LIP mo nalang. Pakita mo gaano kayo kasaya. Para magmukhang tanga yung ex ng LIP mo.

VIP Member

mraramdaman ko po? mtatawa lang po ako .. kc ang malas ng mga nging ex ng partner mo kc nsayo na c partner mo ngaun. at wala na pakelam nanay nya dahil ikaw na ang mahal ng partner mo ngayon 😉

VIP Member

Syempre maiinis kase pangbabastos yon in a way. Harap harapan na, parang pinamumuka sau i guess? Never ko pa naman naexperience pero i think pag ganyan deadma and iiwas nalang as much as possible

buti nalang baligtad. puro nega mga kinukwento ng in laws ko about sa mga exes ng asawa ko. hahaha. Pero yung isang sister in law ko naiiba. Yung iba kasing exes ng hubby ko barkada nya.

Minsan namemention nila yung exes nang Asawa ko kapag may naalala lang naman. Naiinis ako pero wala ako magagawa, naging parte nang buhay nila yung exes nung husband ko.

VIP Member

Ako deadma lang. Parang walang epek sakin kasi halata naman na nang iinis ang biyenan. Kaya para maiinis ko sya pinapakita ko na walang epekto sakin ung ginahawa nya.

Kausapin nyo po yung partner nyo at sya ang kumausap sa nanay nya para hindi ka magmukhang bastos. Hindi talaga natin maiiwasang mabwisit sa mga ganyan 😁

Bastos tawag dun. One time natawag din ako ng mother ng partner ko sa pangalan ng ex ng bf ko. Bwisit na bwsit ako. Til now naiinis pa rin ako

Masakit, pero wala silang magagawa dahil ako ang pinili at ako ang mapera, at ako din ay hindi palasagot sa kanila. Bala sila dyan. Hahahaha joke lang.

lasunin mo byenan mo hahaha charot, natry ko na yan minsan pero mismong jowa ko ngsasabi sa nanay nya na tumigil kakabanggit. inaaway nya mama hahaha