19 Replies
39 weeks and 1 day din ako sis, No pain and No signs of labor. Same situation palagi ako nasisita kung anong petsa na ang laki laki na daw ng tiyan ko, hindi pa din daw ba ako manganganak? Kaya hindi ko mapigilan mapressure. Lalo na kpag nakakakita ako ng mga nakaraos na lagpas pa sa duedate ko. Halos lahat ginawa ko na, lahat ng possible induce at home na kinakain, at napanood ko. Pero wala pa din talaga kaya nagppray na lang ako kung ano will ni GOD basta ligtas at healthy kame parehas ni baby pagkalabas nya. Pray lang tayo sis. Makakaraos din tayo. π
Ako mommy kapa panganak kulang noong July 2 stress na rin ako masyado kasi 39 weeks and 4 days na ako nun marami na nagtatanong kailan daw talaga ako manganganak hehe tapus 1.5 cm palang ako ni resitahan ako Ng OB ko ng primrose 4 pcs insert vagina at bed time ginawa ko yun mommy tapus nung gabi yung ulam ko is chicken spicy neck yung sa chooks. 2am pumutok yung panubigan ko kaya confine agad ako sa hospital that day nanganak ako. Try mo lang baka effective din sayo.. Good luck
I feel you. Ako nga 39w and 5d na. Minsan may false alarm pero nawawala din agad. Minsan nasstress din akong lumabas para maglakad lakad kasi andaming bumabati na bakit d pa daw ako nanganganak. Paulit ulit pa questions nila kung kelan due ko. Kaya dto nalang ako sa loob ng bahay palakad lakad atsaka kinakausap ko si baby labas na siya at ang dami nang naeexciteπ samahan mo lang ng prayers mamsh. Makakaraos din tauπ
Eto momshie try mo.. Pregnancy exercises sa youtube.. maglakad lakad din & squatting.. papaya, dates and pineapple papalambot ng cervix.. nipple stimulation din pampahilab ng tyan.. tsaka pwedeng mkipag contact kay hubby pra mag open na ung cervix..
Sobrang stress din ako nung nagbubuntis ako until now and nung time na manganganak na ako Hindi ko Alam kung naglelabor na ba ako Basta na feel ko lang na manganganak na ako kaya nagready nako pumunta sa hospital. Thanks God normal delivery π
Huwag kang magpa stress sis , ako 4o weeks and 4days lumabas c baby .. Think positive lan po talaga , lalabas din c baby .. Hndi nya pa cguro feel lumabas π . hayaan m yan mga tao sa paligid m , toxic lan yan cla ..π
mamsh relax ka lang hehe then kausapin mo si baby tapos magpray ka baka kse ma stress dn si baby. stay calm mommy and then continue lang sa mga bagay na makapag induce for your labor.
Lalabas din po yan si baby, mamsh. It's good you're doing your part. 40 weeks naman po ang full term di ba? Tuloy mo lang po yung ginagawa nyo. Ano din po advice ng OB nyo?
Napepressure ka lang mamsh. If in doubt pwede ka naman pong pumuntang Er to consult if the baby is perfectly fine and what methods pwedeng gawin para mainduce to labor.
Me too sis 39 weeks and 3 days nku wala parin akong sign as in wla worry na tlga ako due date ko na sa 8 wala pa din binigyn ako ng promise oil ng ob ko.
Ikaw din po mamsh. God bless sa panganganak mo.
Anonymous