First time mom here ?

Mga momsh ang dami po kasing nakakapansin na maliit daw ang tyan ko, 17wks and 6days na po ako. Hindi naman po ako masyadong nagwoworry dahil everytime na may check up po ako sa OB ko okay naman daw po si baby. Medyo nagtataka lang po ako kasi ung kaworkmate kong buntis mas malaki po ang tyan sakin 3months palang po ang tyan niya and FTM din siya. Thankyou po. ?

First time mom here ?
33 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan din po ako. Hahaha hanggang ngayong 32 weeks na ko madalas pa din ako sinasabihan na maliit ang tyan na baka malnourieshed daw si baby😅😂 pero as per OB ko, ilang beses ng overweight si baby and lagi nya sinasabi na ang laki laki nya para sa age nya. Ganyan po siguro talaga pag walang bilbil pag nagstart magbuntis heheh. 24" po ang waistline ko before, 42" na po ngayon. Wag mo nalang po pansinin. Nakakasyress lang sila. Hahahah

Magbasa pa
Post reply image

ok lang po yan,, lalo pg FTM! magulat kana lng po 5-6months bigla lobo tummy! 😅 it depends din po sa build ng katawan mo, iba iba po ang babae in every pregnancy.. tska as long as ok si baby inside nothing to worry.. 😊 wag ka po maniwala sa mga sasabihin ng mga nsa paligid mo,, para iwas stress!

Same Tau mom's, 17 week and 6 days, Dami din nagsasabi na Ang liit ng tiyan ko Parang di Buntis, halos 4months na Kasi sya Dina?, medyo nkakadown kasi mga iniisip o sinasabi nila, Basta wag lng ako mkakarinig ng nagbubuntisan ako, sampal ko tlaga ultrasound sa mukha nila.

5y ago

Ganyan din ako mamsh everytime na lalabas ako ng bahay sasabihin ng kapitbahay namin kung buntis ba daw talaga ako kasi mas malaki padaw tyan nila sakin 🤣

Nung 29 weeks ako nakakasuot pa ako ng Highwasted jeans hehe pero nung ramdam ko na ang lakas ko ng kumain lumaki na from 658 grams c baby ngayon 38 weeks 3kls na sya kaya okay lang yan mommy ganyan talaga iba.x kasi ang hubog ng ating katawan☺

ok lng un momsh ako nga 5 mos maliit lng tas pag ka 6-7 mos biglang laki. 33 weeks ako 4lbs na sya agad :) normally bilbil lng ng mommy un pag malaki agad ang tyan kahit early months pa lng hehe

dont worry as long as ok so babh ganyan dn ko madalas napupunta tummy ko kasi parang bilbil lang hanggang mag 6months lumake lang ang tummy ko hanggang 27inches gang sa nanganak ako hehe

VIP Member

Baka po yung workmate mo mlaki na tlga tyan nia nung dpa sya buntis.. May kwork din po ako ksbayan ko magbuntis, mas mlaki tyan nia sakin, 1st baby nia pero ako 2nd baby ko na ngayon..

Sakin nga po nung 18weeks flat tummy padin no baby bump at all tapos payat ko pa 45kg lang ako. Pero ngayon 20wks nako biglang lumaki tiyan ko. Pero 46kg padin ako 😂

Hindi pare pareho mga bunttis sissy at much better daw na maliit sa tyan paglavas mo na lang palakihin para hindi kayo parehas mahirapan ni baby kapag nanganak ka.

Eh baka mas makapal layer ng taba nya sa tyan? Di po kasi masasabi sa outside appearance yan. Saka kung ok kay OB, for sure ok si baby..