Baby na ayaw magpalapag

Hi mga momsh! Alam ko po na hindi totoo na naisspoiled ang mga newborn babies pag laging buhat pero ano po naging diskarte nyo para mailapag sila? 2 months old po anak ko pero pag nilalapag nagigising. Nakakaawa naman kasi di nya nakukuha ung kumpletong tulog. Kaso ang hirap din sa part ko kasi manhid, ngalay, at working pa ko. Di rin makakilos kahit kumain or maligo

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Bili kayo Mommy ng baby wrap carrier po para may magawa din po kayo. Based sa exp and nababasa ko dito, 2mos old ganyan yata talaga sila ka-clingy. Nag aadjust din po kasi sila dahil 9mos silang karga at yung body warmth hinahanap po nila. Try nyo din po iswaddle blanket, lagyan ng kumot sa gilid nya iroll nyo tas ipaikot nyo sakanya tas itagilid nyo sya lagay nyo yung excess sa hita niya. Sana makatulong po

Magbasa pa
2y ago

thank you po mi. try ko po yan