ubo at sipon habang buntis

hello mga momsh 8weeks preggy po ngayon nakakaranas ako ng sipon na may minsang pag ubo..makakasama ba to kay baby wala ako iniinom na gamot ksi ntatakot din ako,,masakit din sya sa ulo at ang bigat ng pakiramdam ko,,meron ba dito na nakaranas ng ganto habang buntis,salamat sa sasagot

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ako po ganyan din last month... Ang ginawa ko po nag maligamgam na tubig ako na may kasamang honey and lemon. After breakfast and before matulog sa gabi ko po sya ginawa. After 2 days nawala po siya. Pero tubig lang din po ng tubig kasi sobrang laki ng tulong ng tubig. Much better pa-check up ka padin po kung saan kaman po nag papa-check up. Praying gumaling po kayo. God bless!

Magbasa pa
TapFluencer

Hi Mii same po tayo mii , sabi ng OB ko normal lang daw po ang may ubo at sipon, dala daw po yan ng pag bubuntis at sa panahon din po natin , nag papareseta nga po ako sa OB kopo ng gamot para sa sipon at ubo kaso wala sya nereseta sinabihan lang nya ako na uminom ng maraming tubig ,, kaya ito sinusunod ko nalang po ang payo ng OB ko,,

Magbasa pa
2y ago

Medjo ok na ang sipon at ubo ko mii,, hindi na masyado , di tulad nong mga naka raang araw, thanks god at ok na pakiramdam ko mii,, good tiis lang tayo mii, kase di tayo pwede uminom ng gamot , inom lang po tayo mii ng maraming tubig everday po

Masama pag nagstay ng matagal yang sakit mo kasi pwede yan makaaffect kay baby. Nung preggy ako iniinuman ko malanh ng calamansi juice with ginger extract usually nagtatagal ng 2-3days okay na agad mahalaga di nainuman ng gamot at gumaling agad.

ako po,umabot ng 5 days ubo ko,natakot din ako magsabi sa doctor bka kasi i covid nila ako or ireq na magpa swab masyadong mahal eh,puro calamansi juice lang ako tas minsan nag bbiogesic ako nawala namn na. 29weeks and 6 days preggy.

Ako mii,last week sinipon ako. Naumay nga ako sa tubig eh,pero yun lang tlga pinaka-safe sa buntis pag may sipon at ubo. Try niyo din po salabat,or lemon water na may honey.

ako mami ganyan na ganyan ako nung stage na yan malala pa sobrang kati ng lalamunan ko.🥴🥴 more water lang daw sabi ni ob.tas pag masakit ulo ko katinko lang

ganyan din po ako nung 8th month preggy po ako. nagka ubo and sipon din ako pero di ako niresetahan ng ob ko. sabi more water intake lang..

take lang po ng vitamins like Calvit C safe for pregnant dito ako nagoorder ng vitamins ko :) http://jcshop.ph/1111454423

basta sabihin mo sa ob mo para mabigyan ka ng tamang gamot. kung lumala yan, yun ang nakakasama na sa pagbubuntis kasi.

sabihin mo sa ob mo mi, para maresetahan ka ng tamang gamot. more water intake lang din mi and eat ka ng fruits