Hilot sa buntis
Hello mga momsh , 7 months preggy nako this month. Ask ko lang po kung pwede o safe pa ba ang magpahilot ng tyan. Madami kasi nagsasabi na pag hindi pa daw ako magpahilot baka daw paa ang unang lumabas pag manganak ako. Help naman mga momsh. Thank you ❤️ #1stimemom #advicepls #pregnancy #worriedmommyhere
Kung breech si baby nyo. Sakin kasi nalaman naming breech si baby nung 4mos till magaanim na buwan na,pero nagsimulang hilutin tyan ko nungmagaanim na buwan palang kasi breech nga e kaso nung nagpaultrasound kami ulit kasi yung asawa ko nababahala at nagaalala kung nakaikot ba sa paghilot e nung nalaman namin ang result hindi padin pala so tinigil muna ang paghilot tas nagpaultrasound kami nung mag32 weeks na tyan ko naging cephalic na sya at kahapon lang hinilot na naman ako kasi daw bumababa tyan ko pero hindi naman no choice kami kahit yung mom in-law ko wala naring nagawa tsaka yung mom in-law ko kasi nagpasimula na ipahilot ang tyan ko nun kahit magaanim na buwan palang tyan ko pero sinabihan ako na wag ipapahilot kasi kusang iikot si baby at pwedeng magcause ng bleeding kapag naglabor na ako after kaya wag sana🤞🏼🙏🏼 first time mom kasi kaya nakikinig nalang ako sa mga may karanasan na,tsaka isa pa sumasakit din yung banda singitan ko gawa daw yung ulo ni baby nakasiksik tas ngayon mag35 weeks na tyan ko
Magbasa paako 6months na pero di naku makahinga di ako mapalagay lagi sumasakit yong tyan ko at ang lamig lamig ko kaya ngpahilot ako yon pla c baby nasa ribs ko yong ulo tapos yong paa nasa legs side ko pagkatapos non nakahinga naku maluwag non ulo nya nasa baba nya grabe nwla na din yong nararamdamn ko saka nalamn non naghilot na may lamig ako sa loob kaya yon iwas iwas muna sa malabig enom ng dayon2
Magbasa pabefore sakin walang hilot kc pg 7 months na tiyan ko,pina congenital scan c baby,so kita lahat2 but before 5 months pa lng ng ultrasound din ako pra sa placenta,cephalic din cxa pg 5 months pg 7 months na breech na. Pero sad to say Cs pa din ako,taas kc ng dugo,at d ako ng labor pa higa2 lng ako sa labor at chika2 sa nurse.
Magbasa paMas okay po ask niyo muna si ob niyo pero mas nirerecommend po nila na huwag magpahilot kasi delikado rin po. Magpatugtog nalang po kayo sa phone nyo lagay nyo po sa may bandang hita niyo para po umikot si baby.
Hindi ako ngpahilot. kasi sabi ni OB possible ma kuga ang bata or ma cord coil. tsaka iikot dn si baby. sakin 8 mos umikot na sya pa baba. ng exercise lang ako ng mga pwede pampaikot kay baby pa baba.
7 months din akong preggy. nagpahilot ako . kasi nasakit na yung tyan ko mababa na masyado si love kaya pina angat ko. pero its up to you padin momsh. iikot pa naman yan si baby .
nung last checkup ko nagtanong ako pero sabi di recommended kasi baka mag bleeding pagka panganak
ako nag pahilot ako mamsh kasi mababa si baby okay naman siya and high lying placenta pa ko hehe
No, yan advice ni OB sakin na wag talaga magpa.hilot.
Hindi talaga ako naniniwala sa hilot sorry.