SHARE YOUR SUCCESFUL STORIES PLEASE

Hi mga momsh. 20 years old po ako at Grade 12 student. 5 months pregnant po ako ngayon, solong anak at ang mom ko po ay nasa Qatar. Wala din po akong tatay. Yung bf ko naman po 18 years old lang. Napanghihinaan ako ng loob mga momsh, share niyo naman po stories niyo na nakagraduate kayo ng college at nakabawi sa magulang kahit maaga nagkaanak. Gusto ko po ng inspirasyon. Gusto ko kahit nadisappoint ko mom ko, magiging successful pa din ako. Kaso iniisip ko pa lang parang hindi ko kaya... 😭

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Hi mommy! Fight lang. Focus on your baby at sa sarili mo. Masama yung lagi kang stress sa future self mo. Share ko lang yung sakin. 23 na ako nung nabuntis ng hubby ko which is 10 years older than me. 5 months pa lang kami non at di pa siya masyadong kilala ng tatay ko. Bilang breadwinner, ang taas ng expectation sakin ng tatay ko. Gusto niya may maipundar muna ako bago magpamilya. Gusto niya mapatapos ko muna bunso namin kaya nung nalaman niyang buntis ako, nadiagnose siya with depression. Sobrang disappointed siya sakin kasi iniisip niya hindi ko na sila priority. Pero soon, natanggap rin niya. Sabi niya, kahit gaano kadisapppinted ang magulang sa anak, hindi nila yun kayang tiisin. At mommy, 20 ka pa lang. Kahit magkababy ka, pwede mo pa ituloy yung dreams mo for your family and for your baby. Minsan talaga may mauuna sa buhay natin na hindi natin pinlano, pero di ibig sabihin non late ka na sa ibang bagay. Siguro yung iba naging successful lang ng mas maaga pero di ibig sabihin non ikaw hindi na. As long as kumikilos ka, nagpupursige ka, we can't say. Laban lang mommy! And pray. Always pray. 😊

Magbasa pa
5y ago

Salamat mommy!! ❤️

18 yrs old ako nabuntis sa first born ko, syempre sa una talaga nagalit parents ko huminto ako ng 1 yr sa college akala ko nun di na nila ako pag aaralin kaya thankful ako sa kanila at nakatapos ako at may trabaho ng maganda.

5y ago

Thank you so much momshh..