Ano ang hindi mo makakalimutan???

Mga moms kwentuhan muna tayo.. anu ang hindi mo makakalimutan ,habang ipinagbubuntis mo c baby , o nung nanganak ka na?... Ako nung ipinanganak ko na xa...ecs kc ako ung 1st week na sobrang hirap..puyat pagod gutom tapos ang hirap pa gumalaw kc masakit pa ang tahi...😞.. Kakaiba talaga maging isang ina...mahirap na masaya...😉#1stimemom #theasianparentph

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ung unang lingo sa hospital. ecs din.. breastfeeding advocate hospital. bawal Ang formula milk and I forced myself n mag padede kahit madaling araw na Hindi pa rin natutulog si baby. akala ko Wala akong milk, npakahirap pla mag maintain or mag stick sa breastfeeding pag d k gifted. nag wawala ska umiiyak talaga anak ko.. lumalabas na lang ako room ko sa hospital buhat siya minsan masakit tahi ko pero need patahanin.kaya lakad lakad and sayaw sayaw.. ayun. hanggng 1-4th day din na ganun. Buti na lang nandun pedia to ensure na my milk ako kahit wala akong nakikitang milk na tumutulo sakin. Basta my ihi at poops ok daw Yun na sign at d nanghihina Ang baby. kahit mahirap sa ika 4th day sumakit at bumigat din boobs ko. pero ganun pa rin gising pa rin siya sa Gabi. makakatulog pero pag nilapag gising ulit. Ang hirap mag alaga 🤣

Magbasa pa

noong naglalabor ako sa 2nd baby nmin..1st baby ko po kc hndi ako nag labor, kya sa 2nd baby nmin 1st time ni mr na nkita akong maglabor, kya sobra syang natataranta. nkakatawa doon kc sabi ng hipag ko ipagtimpla dw ako ng gatas pra dw my lakas ako. pnagtimpla nmn ako ni mr pro sya din ung uminom ng gatas na dpat pra sakin🤦🏽‍♀️🤣🤣

Magbasa pa
VIP Member

ecs here too...di ko talaga mkalimutan ang sakit..at kung paano hinila si bb sa tyan ko,dahil nkalutang lng xa....dun na diskubre nka pulupot pala pusod namin sa buong katawan nya...

hindi ko makakalimutan yung araw na malalaman kong buntis ako nalaman ko din na may asawa pala ang asawa ko sa probinsya, eto ako ngayon nasa sakit padin, hindi ko alam gagawin

VIP Member

palage ako na aallergy sa pain reliever pagka panganak ko sa dalawang anak ko. kaya wala kme masyado picture pagka labas ni baby dahil maga mata ko 😓

Yung malupit na labor ng 8 hours 😂 Umaga nakakatawa pa ako nung tanghali hindi na kasi ang sakit sakit na talaga. Normal delivery po ako

VIP Member

iniwan mo yung bahay na malinis, paguwi ang dumi na. kapatid mo lang tao sa bahay. tapos ecs ka pa 😂

Ang hindi ko siguro makakalimutan ay ang pagbubuntis ko ngayon.Sobrang stress mag buntis ngayon 💔

yung after manganak na halos umiyak nako dahil hindi ako nakakatulog samantalang asawa mo tulog mantika

4y ago

HAHAHA ganyan din lip ko dati. inaway ko, kaya ngayun nag tutulongan na kami Kay baby

VIP Member

always di ko malilimutan ang feeling ng pag lalabor 😅