Bloody Show 39weeks
Mga moms, ask lang po.. Kasi nong 5days ago, 2nd IE ko po. Na-heads up naman ako ni OB na magkakaron spotting (nong 1st IE). Nagulat lang ako pag uwi ng bahay, medyo madami discharge na pinkish brown na may mucus. Nagtagal sya ng 3days. On the 4th day, back to normal discharge na whitish in color. But today, naging pinkish brown ulit kaninang umaga. Afterwards po, jelly-like na may blood na yong lumalabas. Pero konti konti lang, same amount and frequency ng kapag may usual vaginal discharge. Madalas na rin sya humilab nong mga nakaraang araw, and may pain from pressure sa vagina since last wk pa (eto po yata yong lightning crotch na tinatawag). Share nyo naman po anong experience nyo at kung anong mga sumunod na ganap sanyo nong nagkaroon na ng bloody show. Salamats po