hospital bill

mga moms,may ask lang po ako about sa bill namin sa hospital,cesarean po kasi ako and umabot po yung bill namin sa hospital ng 110k po,tapos po ang sabi ni doc may doctors professional fee daw po na 120k,tapos sinabi po na sa clinic nalang daw po nya ideretso yung 120k na bayad hindi daw po sa hospital,tama po ba yung prof. fee ng doc?first baby ko po kase yung pinanganak ko

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hi mommy. Depende sa hospital mommy where you gave birth. And since caesarean mas mahal talaga sha than regular doctor's fee when you give birth via NSD. I can say this because kita ko big difference ng PF ng OB ko for my 2 pregnancies (though magkaiba OB ko sa 1st and 2nd baby). 1st baby ko emergency CS so definitely mahal si doctor's PF plus I gave birth sa St. Luke's BGC (doctor's PF was 150k - total bill 350k+). 2nd baby ko was VBAC same hospital different OB (doctor's PF was 80k - total bill was almost 700k since premature si baby and na NICU ng 21 days). In most cases kaya sinasuggest ng doctor na idederecho na lang sa clinic ang PF is to be more considerate on your end because mas mahal si PF pagsinama sa hospital bill due to tax.

Magbasa pa