28 Replies

nagkaganyan ako on ny first trimester as in umabot ng 38.3 to 38.8 tapos baba ng konti. napagod at nastress. kaya bed rest lang po. more on water. at nagadvise namam si ob ko na pwede uminom ng biogesic. pero sa takot ko rin uminom ng gamot isang beses lang ako uminom nun. alam mo ano mas effective, alaga ni mama hehe. nung umuwi ako sa bahay namin hinilot ako ng mama sa ulo, tapos pinunasan sa katawan ng bimpo na basa, tapos nakatulog ako. kinagabihan nawala na lagnat ko.

VIP Member

Mas mabuti po mag consult kay OB para mabigyan po kayo ng tamang gamot tho pwede naman po talaga uminom ng biogesic pero mas maganda ung makita kung anong source ng lagnat mo. Nilagnat din ako nung 7 mos preggy ako. Na-confine ako kasi dahil pala sa UTI ung cause ng lagnat and kailangan maagapan. Sa dami ng mga sakit ngayon sis mahirap na magpaka siguro sa mga simpleng lagnat 😇 Get well soon po! 🙏

Nagkasakit den ako ganan 28 weeks pregnant. Safe naman uminom biogesic, every 4 houra inom ko nun. D ko pinababayaan tumaas kase sobra maiinitan si baby sa loob masama daw yun. Tas lagi magpunas nan bimpo na basa kahit tap water lang. Buong katawan pwera dibdib at likod. Lalo na punasan un puson or tyan kase dun madalas mas mainit. Agapan mo lan yun init nan katawan mo para bumaba lagnat.

Ako po ngpadala sa er momsh, pinaglab test ako ng cbc potassium sodium at urinalysis ts snweruhan po ako. May ubo't sipon po ako tas nilagnat then sumakit po yung sa ilalim ng boobs ko diko na kinaya. Nagsuka pa ako at nagdugo ilong. Un nakita mababa potassium ko saka may onting inpeksyon sa ihi

Ako sis kalalabas ko lang sa ospital last week . Taas din ng lagnta ko may ubot sipon tapos pinatest cbc ko ayun may dengue din ako. Paracetamol Lang pinapainum sakin tska swero more water din po.. more water sis tska paracetamol. Masama daw po kasi ang lagnat sa buntis

VIP Member

Thank you sa mga advice mga mommies...pero na admit po talaga ako dahil umabt napo 39 temp ko at di bumaba....pina pa steroids and antibiotics na ako ngayon ( which is safe for the baby) for my Upper respiratory infection.

VIP Member

Get well soon momsh, lagay ka bimpo malamig sa tyan mo para di maintan si baby. Pag me lagnat kasi tayo nagbabago din temperature ng amniotic fluid nila. Inom madami fluids at meds na rx ni ob. At syempre pahinga momsh.

Kagagaling ko lang din sa sakit two weeks ago mommy 27 weeks ako nun, 2 weeks din tumagal ubo sipon buti di umabot sa lagnat. More water lang at nasal spray tapos ginawang twice a day vit C ko. Get well soon po!

Other than rest, water and fruits, make sure na well ventilated ang room. O kaya nakakahinga pati ang skin niyo. Masmainam po iyon. Kung gusto mag sweatshirt dahil giniginaw, isang layer lang at wag makapal.

Get well soon momshie! Sakin dati ganyan din, ang recommended lang sakin ng OB is biogesic or paracetamol every 8 hpurs if hndi a din bumaba lagnat mo and more water. Stay healthy po, godbless! 😍😇

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles