27 Replies

mommy, pwede mo ireklamo sa DOLE yan. hindi ka nila pwede pilitin magpasa ng resignation letter dahil lang buntis ka. given sa sitwasyon ngayon na pandemic, risky kasi sa company na hayaan tayo pumasok dahil sagutin nila tayo. pero may mga paraan naman dyan. kagaya ko po ngayon, im 4 months preggy. NO WORK NO PAY ako ngayon. pero company nag ayos ng MAT1 ko. im still employed. yun lang, walang sweldo kasi nga hindi ako pumapasok. pero entitled parin ako sa maternity leave ko and other benefit ni company. pati mga food packs na binibigay ni company sa lahat ng empleyado na pumapasok, nakakatanggap parin ako (grocery, bigas, etc.) know your rights. karapatan mo yan. goodluck mommy!

stay safe mommy 💖

VIP Member

Di po totoo yan kaibgan ko 7months na nag wowork padn . Pati mga ibang kawork ko dati . Ayaw lang nyan mag abono . Tska may benefit ka na leave e ayaw langnsiguro nila magbayad ng leave mo tsk tsk . Dapat alam mo yan para makapalag ka sknila . Bawal yun nasa batas na nga na nadagdagan yung leave ng mga buntis e . Tska kung ayaw ka nya mag trabho edi pinagleave k nlng sna kaya di totoo yung reason nya , ayaw nya lang magbayad . Wala kang separation pay . Nagbbgay lang ng ganun kapag magsasara ang kumpanya tas need na kayong tanggalin

gudmorning mga momy ask ko lng po employd po ako kaso yung sss ko d hinuhulogan ni emloyer ko 1 year mahigit na akong ng wwork sa kanila d ako kinakaltasan kausap ko kahapon yung assistance manager kkaltasan daw ako ds cuff off tanong ko lang maka avail paba ako sa maternity due ko pa sa may 6 ....2months pregnant po ako ngaun

salamat mommshy

VIP Member

Hala bat ka pinagresign e meron namang maternity leave dapat di ka pumyag kaya ka pinagresign nyan kase sila yung mag aabono ng sss benefit mo . Pero kung resign kna dapat icontinue mo hulugan yang contribution mo para magchange status into voluntary ka . Kaht 300 per month .

yes..pag regular ka..ndi ka pwedeng tanggalin or ndi ka pwedeng utusan magresign kasi nga regular ka un ung laban mo dun

bawal po un, nakalagay sa batas na hndi pwedeng tanggalin o pagresign-in ang pregnant, pwede ka nya i-assign sa mas magaan na trabaho o kung wala syang paglalagyan eh magdedesisyon c employer na magleave ka pero company magbabayad ..

ganyan din nangyari saken ayaw kc nila magbayad maternity leave kya pinag isipan nilang maìgi na di sila marereklamo aa dole

pasok pa yan momsh sa MatBen.. Kung March2021 EDD mo Bali march, Feb, Jan 2021 then Dec, Nov, Oct2020 ang di counted sa computation Sept2020-Oct2019 magstart at kunin ung highest contribution mo para macompute MatBen mo..

pa check mo po. sakin po kase hindi na ko qualified for mat ben, na late po kase ako update, nung wed ko lang po pinuntahan sa sss. march2021 din po due date ko. sayang. laki pa naman po contribution ko 😔😔

Nagbebase po kasi sila sa hulog mo ng 2020.

maghulog ka na mommy ngayong October to December 2020. para may makuha kang matben, hindi na counted yung Januaryto March 2021. max contribution mo na 2,400 para mas malaki

pwede nyo nmn ma check if eligible kayo sa mat ben.. mag log in kayo sa sss web. po tas punta kayo inqury maternity input nyo lang edd nyo.. makikita na dun kung eligible kayo

Pasok po ko ❤️ thanks!

Parang ang alam ko 2020 ka dapat may hulog ng anim na contribution o kahit tatlo lang kaso dalawang buwan lang yung hulog mo tapos 2021 pa ang due date mo.

Trending na Tanong